5,894 guests

Vendor todas sa RIT gunmen

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 202

Patay ang isang 40-anyos na vendor maka-raaang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Bgy. Nagkaisang Nayon, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO3 Louie Serbito, may-hawak ng kaso, kinilala ang nasawi na si Rodolfo Ayroso, alyas Negro, ng 8 Idelfonso St., Torres Ville, Bgy. Nagkaisang Nayon, QC.
   
Agad namang tumakas ang mga salarin matapos  isagawa ang krimen sa may harap ng F and Snack House sa 7 General Luis St., ng naturang barangay, dakong alas-8 ng gabi.
   
Sabi ng isang Maysia Longcob, kasalukuyang nagbabantay siya sa kanyang tindahan nang makarinig siya ng mga putok ng baril malapit sa kanilang lugar. Pero sa takot na madamay, nagtago siya sa kanyang kuwarto.
   
Makalipas ang ilang minuto ay nagpasyang lu-mabas ni Longcob at nakita niya ang biktima na duguang nakasalampak sa gitna ng kalsada.
   
Sinasabing papatawid sana sa naturang kalye ang biktima papunta sa naturang tindahan nang biglang dumating ang isang motorsiklo sakay ang mga suspek at pinagbabaril na lang ito, saka tumakas.
   
Agad na ipinabatid ng saksi ang insidente sa mga dumating na barangay tanod na siyang tumawag naman ng otoridad para sa pagsisiyasat.
   
Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala para sa kalibre .45 na baril at isang plastic sachet ng shabu. Nagtamo rin ang biktima ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.