4,860 guests

Ai Ai at BF, balak nang magpakasal

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 546

DUMALAW kami sa pictorial ng comedy queen na si Ai-Ai de las Alas para sa kanyang bagong product endorsement, ang Natural Blend 3-in-1 coffee mix na ginanap sa studio ni Edward Lacuesta in Quezon City.

Masayang-masaya si Ai Ai sa kanyang pictorial habang nakaupo at nakamasid sa  isang tabi ang kanyang darling na si Gerald Sibayan.

Ilang araw na lamang ang bibilangin at magtatapos na ang taong 2016.  Ayon kay Ai Ai, naging very fruitful umano ang taong kasalukuyan sa kanya.  Sa taong ito rin nangyari ang pagtanggap niya ng Papal Award, isang prized possession na never niyang makakalimutan sa buong buhay niya.

“Thankful ako sa Diyos dahil  sa sunud-sunod na blessings na patuloy na dumarating sa buhay ko,” aniya.

May  movie si Ai-Ai na nakatakdang ipalabas next year, ang “Mighty Yaya,” isang feel-good movie under Regal Films.

Masaya si Ai-Ai dahil makukumpleto ang kanyang pamilya this Christmas dahil uuwi galing Amerika ang dalawa niyang anak na doon nag-aaral, sina Nicolo at Sofia. After Christmas ay magtutungo naman sila ng Shanghai, China para magbakasyon.
   
Bago mag-Christmas, dadalawin din ni Ai Ai kasama ang kanyang darling at mga anak, ang Filipino-Japanese actor ni Jiro Manio sa rehab na pinagdalhan sa kanya ng comedy queen.
   
“Gusto kong maramdaman niya (Jiro) na may (second) pamilya siya sa amin laluna sa panahon ng Kapaskuhan.”
   
Samantala, tila kasal na lamang ang kulang sa relasyon ni Ai-Ai sa kanyang live-in partner of more than a year na si Gerald. Pero darating din daw ito sa tamang panahon.

“Kung hindi next year baka the year after,” nakangiting pahayag ng comedy queen habang nakikinig at nakangiti lamang ang kanyang nobyo na nakaupo sa sofa.

BOOBAY, NAKALABAS NA NG OSPITAL

NAKALABAS na ng pagamutan ang comedian-TV host na si Boobay, Norman Balbuena sa tunay na buhay matapos itong isugod sa ICU dahil sa acute stroke noong nakaraang November 27.
   
Pagkaraan ng isang linggong pagkaka-confine, tuluyan nang pinalabas ng pagamutan si Boobay pero kailangan pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang mga gamot at speech therapy.
   
Sa pamamagitan ng partner ni Boobay na si Kent Juan Resquir, patuloy itong nagbibigay ng update sa kanyang Instagram account na may kinalaman sa health condition nito.
   
Masuwerte si Boobay na meron siyang partner katulad ni Kent na hindi nagpabaya sa kanya.

FROM PICTORIAL TO CAST PARTY

PARA kaming nag-road-trip ng kaibigan at kasamahan sa panulat na si Jojo Gabinete last Wednesday, December 7 dahil pagkagaling naming dumalaw sa photo shoot ni Ai Ai de las Alas sa studio ni Edward Lacuesta in Quezon City ay tumuloy kami ng Bonifacio Global City in Taguig at saka kami tumuloy ng Legaspi St. in Makati para naman sa cast party ng “Darkroom” ng Viva Films na tinatampukan ng mga young talents ng Viva tulad nina Bret Jackson, Ella Cruz, Jack Reid (half-sibling ni James Reid), Donnalyn Bartolome, Samantha Capulong, AJ Muhlach, Andrew Muhlach, Rose Van  Ginkel at Kaleb Santos na dinirek ng TVC director na si Direk Pedring Lopez for Viva Films at nakatakdang ipalabas on January 18, 2017.
   
Ayon sa mga bagets na cast ay para umanong experimental ang movie na “Darkroom” dahil sila-sila umano ang may hawak ng kamera at wala umano silang cameraman.
   
“We really had fun doing the movie,” pahayag ng Australyanong si Jack Reid.
   
Dahil sa sobrang traffic from Quezon City to Bonifacio Global City at Makati City, hindi na natuloy ang late lunch and early dinner treat sa amin ni Jojo sa lobby ng Manila Peninsula Hotel kaya nagkasya na kami sa pagkain na nakahanda sa cast party ng “Darkroom” na ginawa sa Makati studio/office ni Direk Pedring.

NAKABABATANG KAPATID NI JAMES, SUSUBOK DIN

AFTER James Reid, pinasok na rin ang showbiz ng kanyang half-siblings na sina Loren at Jack Reid na pareho ring nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency na pinamumunuan ni Veronique del Rosario-Corpus.
   
Inamin ng nakababatang kapatid ni James na si Jack na nagi-enjoy umano siya sa kanyang showbiz career sa Pilipinas even if it would mean ng kanyang paghinto ng kanyang pag-aaral sa Sydney, Australia.
   
Ayon kay Jack, susubukan umano niya ng ilang taon ang showbiz at kung hindi umano ito mag-work out ay baka bumalik siya ng Australia at ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral doon kung saan niya balak kumuha ng Business Management course.
   
Inamin sa amin ni Jack na meron umano siyang girlfriend sa Australia pero nag-break umano sila bago siya nagtungo ng Pilipinas.

ABS-CBN’S FUN CHRISTMAS PARTY

TAUN-taon ay nagbibigay ng Christmas party for the entertainment media ang ABS-CBN  na iba’t iba ang tema at slogan.
   
Last Tuesday, December 6,  ang Kapamilya Network ang kauna-unahangTV network na nagbigay ng taunang Christmas get-together with the entertainment writers na ginanap sa Dolphy Theater.
   
Tulad ng ibang Christmas parties, hindi puwedeng mawala ang kainan, raffle, game portion, singing contest, guest performances and appearances ng  celebrities at iba’t iba pang numbers na siyang nagpapadagdag-sigla sa event.
   
Dumalo at nag-perform ang pitong grand finalists ng Pinoy Boyband, ganoon din ang apat na mga kilalang radio/TV news anchors/reporters na sina Doris Bigornia, Winnie Cordero, Gus Abelgas at Marc Logan na kahit mga non-singers ay nag-effort talaga na magbigay-saya sa mga taga entertainment media, their own way of thanking them.
   
Pinatikim din sa mga entertainment writer kung paano ang maging isang contestant sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng “It’s Showtime,” ganundin ang pakiramdam ng isang participant sa top-rating game show na “Family Feud” with host Luis Manzano.  Inimbitahan din sina Erik Santos, Jaya at Kyla bilang judges sa “Tawag ng Tanghalan” portion na tinampukan ng apat na taga-media at ang press photographer na si Noel Orsal ang nanalo.  Si Manay Ethel Ramos naman ang pinakasuwerteng nakapag-uwi ng grand prize na P20,000 sa raffle.
   
Ang Christmas party for the media ay dinaluhan din ng ibang executives ng ABS-CBN na pinangunahan ni Cory Vidanes.  Naroon din sina Linggit Tan, Kane Errol Choa,  Aaron Domingo at iba pa.
   
Over-all, we really had fun and looking forward to the next Christmas party ng Kapamilya Network.