4,663 guests

Luis, nagtipid matapos gumastos ng malaki sa trip nila ni Jessy

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 660
Jessy Mendiola & Luis Manzano Jessy Mendiola & Luis Manzano

SOBRA sa saya ang “Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko” Christmas party for the entertainment press ng ABS-CBN na ginanap sa Dolphy Theater. Kahit sobra ang ginaw sa Dolphy Theater, wala pa ring umuwi agad. Ilang beses nagpabalik-balik sa comfort room ang mga movie press at blogger. Walang sinayang na oras ang ABS-CBN at bonggang-bongga ang mga pa-raffle at regalo.

Bukod sa appearance ng Pinoy Boy Band Superstar, mayroon ding palabas ang “Tawag Ng Tanghalan” finalists at “Family Feud” contest na siyempre pa ay hosted by the one and only Luis Manzano.

Ang tanging contribution ni Luis sa mga nanalo at natalong movie press ay tig-5 thousand pesos  (divided by 4 pa). Naubusan daw kasi ng budget si Luis dahil masyadong expensive ang trip nila ni Jessy Mendiola sa ibang bansa.

Namumukod-tangi sa ‘Tawag ng Tanghalan” finalist si Noven, ang dating nag-aalaga lamang ng kanyang kalabaw sa probinsya.

Ibang-iba na si Noven ngayon. Manghuhula na naman tayo na si Noven ang magiging first ever Tawag ng Tanghalan Champion kahit next year pa ito magaganap. Si Noven din ang nag-iisang lalake sa mga nag-perform nang gabing iyon.
   
Anim na oras nag-host si Ahwell Paz nang gabing iyon.
   
Kung noong una ay kasama niya ang kanyang partner sa DZMM show nila na si Jobert Sucaldito, sa kalagitnaan ng event ay iniwanan siyang bigla ng huli.
   
Iyon pala’y kampanteng-kampante si Jobert dahil kayang-kaya ni Ahwel mag-isa para pasayahin nang husto ang gabing iyon.
   
Mabuhay ka, Ahwel!

TONY, AGAW-PANSIN

AGAW-pansin at madaling mahalin si Tony Labrusca, 21, dahil sa lipon ng mga finalist sa “Big Reveal ng “Pinoy Boy Band Superstar” na magaganap sa Sabado at Linggo ng gabi, tanging siya ang mukhang Pinoy at purong Pinoy din.
   
Taglay din ni Tony ang karisma ng isang Pinoy. Biniyayaan siya ng talento sa pagkanta at pagsayaw na may landi sa katawan.
   
Hindi pa siya nagkakaroon ng  pagkakataong makilala at makausap para malaman kung may ugali din siyang Pinoy. Siguro naman, naihanda na rin siya ng kanyang dakilang mommy sa mga ugaling Pinoy para lalong mapadali ang kanyang pagsikat.
   
Marami rin ang gustong makaalam kung nag-e-effort na si Tony na ilapit ang kanyang sarili sa kanyang ama kahit ngayon lang sila nagkita. Iba kasi ang mga Pinoy. Likas na mapagmahal sa magulang, ano pa man ang nangyari.
   
Samantala, kahanga-hanga rin ang anim na singing heartthrobs na kahit mukhang mga dayuhan ay marunong magpahalaga sa kanilang Pinoy fans.
   
Sa totoo lang, lalo silang napamahal sa live audience at televiewers nang “bumigay” sila nang matanggal.
   
Muling babaha ng luha sa sandaling lima na lang ang pipiliin kina Ford, Joao, Mark, Niel, Russel at Tristan.
   
Ang mga boto ay manggagaling sa combined scores ng mga superstar judge na sina Aga Muhlach, Sandara Park, Yeng Constantino, Vice Ganda at ng publiko.

JULIA, BUMABAWI NA KAY DENNIS

NAPAKAGANDA ng gesture ni Julia Barretto na imbitahan ang kanyang amang si Dennis Padilla para maglibot sa mga sinehan sa showing ng kanyang pelikulang “Vince and Kath and James” na kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong December 25.
   
Katambal ni Julia sa nasabing pelikula ang pinakasikat na member ng # Hashtag na si Ronnie Alonte at dating Pinoy Big Brother housemate na si Joshua Garcia. Nag-aalala naman si Julia na baka maging busy ang kanyang dad sa mismong araw ng Pasko, lalo’t may kanya-kanyang pamilya na ang kanyang mga magulang.
   
Pero, hindi dapat basta-basta sumuko si Julia. Kung hindi man sa mismong Pasko ay maraming araw pa ang showing ng pelikula. Iyon na nga lang, mas maganda kung sa mismong opening day niya maisama ang ama. Magiging maganda ang epekto nito sa mga tagahanga at supporters ni Julia.
   
Nararamdaman na rin marahil ni Julia na may hatid na suwerte ang makasama ang ama.
   
Matagal nang dapat sumikat si Julia. Maraming bagong aktres ang sikat na sikat na ngayon. Baka ito na ang tamang panahon para sa kanya.
   
We can never tell.

MARLO, UMAMING NAKIKIPAG-DATE KAY MORISETTE

MASAYA ang avid fans nina Janella Salvador at Marlo Mortel ngayon.
   
Muling nagkasama ang kanilang paboritong love team sa movie ng Regal Entertainment na “Mano Po 7: Chinoy.
   
Gumuwapo yata nang husto si Marlo. Mukhang hindi lamang ito nahiyang sa  “Umagang Kay Ganda” bilang segment host kundi baka naman sadyang pinaghandaan niya ang pagsasama nilang muli ni Janella.
   
May body language pa rin sila habang-ini-interview kaugnay ng pelikula na ipalalabas sa December 14. Iyon na nga lang, sa tagal ng hindi nila pagkikita, may mga pangyayaring hindi nila inaasahan.
   
Nali-link na pala ngayon si Marlo sa supersinger na si Morisette Amon. Napilitang aminin ni Marlon na nagdi-date na sila ni Morisette.
   
“Pero, hindi lagi dahil baka magalit sa akin ang mom niya. Nasa dating stage pa lang po.”