4,654 guests

Kampanya sa smuggling umani ng papuri

  • Written by Paul Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 235

Paul's Alarm

BAGO ang lahat, nagpapasalamat tayo kay kaibigang Joe Zaldarriaga ng Meralco, sa kanyang imbitasyon sa tang­halian kahapon na nilantakan, nye, ginawa namin pala, sa “makasaysayang” ‘Emerald Restaurant’ malapit d’yan sa US Embassy.

At ano pa ba siyempre ang aming ‘order’ kundi ang “sikat” na “siopao” ng Emerald Resto, na isang piraso pa lang, talagang busog ka na!

Kahit paano, mga kabayan, naging “bahagi” na ng ating “kasaysayan” ang Emerald Resto at ang nasabing siopao, hindi ba, kasamang Marlon Purificacion?

Kung inyo kasing matatandaan mga kabayan, nasa Emerald Resto noong Agosto 23, 2010 sina PNoy at iba pang mga opisyales ng kanyang gobyerno at umano’y “masayang nagkakainan” -- ng siopao, ano pa ba -- habang “kinakatay” naman ng naghuramentadong pulis na si Rolando Mendoza ang mga turistang Intsik sa may Quirino Grandstand sa Luneta, aguy, aguy, aguy!

Ito rin ang mga sandaling pinipilit matawagan ni noon ay Hong Kong chief executive officer, Donald Tsang si PNoy pero hindi siya makontak (paano nga naman sasagot sa tawag ng kahit sinong personalidad ang dating amo ni kaibigang Rey Marfil kung “namumuwalan” sa pagnguya ng siopao, hindi ba, hahaha!).
   
Ang insidente ang unang ‘major crisis’ ng rehimeng Noynoy mga kabayan at “mabuti” na lang din at sa tulong ni Manila Mayor Erap, naibalik ang normal na relasyon ng ’Pinas at Hong Kong bunga ng nasabing madugong insidente.
   
‘But in fairness and to set the historical record straight,’ wika nga, sinabi ng isang ‘waitress’ na nagsilbi sa amin ni Joe na ’andun siya sa Emerald noong gabi ng madugong pangyayari at “hindi” naman daw kumain ng kanilang sikat na siopao ang dating pangulo.
   
Eh, sayang, dahil masarap naman talaga ang kanilang siopao, peks man!
   
Pero teka, mga kabayan. Tama na muna ang usapan sa “siopao” at balik tayo sa naging huntahan namin ni kaibigang Joe.
   
Salamat sa patuloy mong pagsuporta sa mga inilulunsad na mga proyekto at programa ng National Press Club, partikular na ang kanyang alok na suporta sa ‘NPC Meet the Press’ na ba­lak nating “buhayin” sa susunod na buwan. ‘Congratulations’ din sa iyong bagong posisyon bilang presidente ng ‘International Association of Business Communicators’ (IABC).
   
‘And you read it right, dear readers.’ Muling bubuhayin ng NPC ang ‘Meet the Press’ at ngayon pa lang ay gusto nating pasalamatan ang ‘GNN Television Network’ sa pangunguna ni NPC honorary member, Mr. Philip J. Chien, dahil sa napakagandang pagkakataon na ito.

* * *
   
Sa ating pagdalo sa ‘turnover ceremony’ para sa bagong chief of staff ng AFP sa Camp Aguinaldo noong Miyerkules, natuwa naman tayong malaman na ang mga kilala nating mga retiradong heneral ay hindi naman pala mga “apocalyptic” kahit matagal nang mga wala sa serbisyo.
    
Ano ’yung ‘apocalyptic’ mga kabayan? Eh di… tagapag-alaga na lang ng mga apo, katulad ni ex-AFP chief, Jessie Dellosa na hindi naman dumalo sa okasyon (“proud lolo” naman, hahaha!).
    
Karamihan pala sa kanila ay mga “negos­yante” na ngayon na siyempre ang ‘concern’ ay hindi na ang mga isyu ng ‘national security’ bagkus, ang mga isyung may kinalaman sa negosyo katulad ng matagal nang problema sa smuggling.
    
Yes, Customs Commissioner, Nick Faeldon. “Nakatutok” sa iyong ahensiya ang iyong mga dating “bosing” sa militar partikular na sa kampanya laban sa sa­lot ng smuggling.    

At sa bagay na ito, natuwa naman tayo na “pinaliguan” nila ng papuri sa pagsugpo laban sa smuggling ang… tararan…!!! ang Department of Agriculture (DA) sa ilalim ni Sec. Manny Piñol. ’Yun lang, hahaha!
    
Anila, nakikita nila at “damang-dama” nila ang sinseridad ng DA na tugunan ang kanilang problema sa smuggling kaya... mabuhay ka, Sec. Piñol!
    
(Pasyalan” mo na rin ulit ang NPC kung saan isa ka sa ‘lifetime members,’ hane).
    
Sa panig ng BoC, “hinahamon” nila si Comm. Nick -- take note, CIIS consultant, Neil ‘The Redeemer’ Estrella, na “tuldukan” ang problema sa smuggling partikular na ang ‘chicken parts’ na anila’y “unti-unting pumapatay” sa kanilang mga negosyo.
    
Aber, dapat sigurong kausapin nitong mga ‘Magdalo Boys’ ang kanilang mga dating mga “bosing” sa AFP kahit mga retirado na dahil baka biglang maglabas ng ‘statement’ ang AGFO na “binabanatan” ang smuggling partikular na ang ‘agri products,’ eh, malaking problema ’yan!
    
Sa mga nagtatanong naman kung bakit biglang naging ‘Mr. Redeemer’ ang tawag natin dito kay retired Marines Colonel Neil Estrella, sa susunod na lang ’yan dahil wala na tayong espasyo kaya... Abangan!