5,348 guests

4 sa 30 sakay ng multicab malubha sa sakuna

  • Written by Jun I. Legaspi
  • Published in Provincial
  • Read: 130

APAT sa tatlumpung miyembro ng pamilya ang nasa malubhang kalagayan matapos sumalpok sa pader ang sinasakyang multicab ng mga ito sa Bgy. Indahag, Cagayan de Oro, ayon sa pulisya.

Sa report na natanggap ng Public Commuters Motorists Alliance (PCMA), ang mga nasa malubhang kalagayan ay patuloy pang ginagamot sa pagamutan sa Northern Mindanao.
   
Ayon sa pulisya, patungo sa isang beach para maligo ang tatlong pamilya nang mawalan ng preno ang sinasakyan nilang multicab kaya bumangga sa pader.
   
Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng mga sugat at pasa sa kanilang katawan kaya isinugod sa Xavier-Maria Reyna Hospital at Northern Mindanao Medical Center.
   
Idineklarang out of danger ang ibang miyembro ng pamilya at dinischarge na sa pagamutan.
   
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.