4,503 guests

Patay na bagong luwal na sanggol natagpuan sa CR ng Calamba mall

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 211

Isang bagong luwal na sanggol na wala nang buhay ang natagpuan sa loob ng isang comfort room sa Walter Mart, Bgy. Real, Calamba City, Laguna, kamakalawa ng gabi. 

Nadiskubre ng isang nakatalagang lady guard habang nag-iinspeksiyon sa mall dakong alas-10 ng gabi.
 
Sinabi ng lady guard na inilagay ang sanggol ng hindi kilalang ina sa loob ng isang kulay pulang baldeng plastik na ginagawang basurahan.
   
Agad humingi ng tulong ang hindi pa nakikilalang guwardiya sa pamunuan ng barangay sa himpilan ng pulisya saka mabilisang isinugod ang sanggol sa Calamba Medical Center (CMC) para masagip ito.
    
Subalit wala nang buhay nang nilalapatan ng lunas ang naturang sanggol ng mga nakatalagang doktor sa pagamutan.