4,822 guests

Pusher nanlaban, dedo

  • Written by Jun I. Legaspi
  • Published in Metro
  • Read: 234

PATAY ang isang suspected drug pusher matapos manlaban sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District Station 6 sa Bgy. Bagong Silangan, Quezon City kagabi, ayon sa pulisya.

Kinilala ni Quezon City District Director Senior Supt. Guillermo Eleazar ang suspek na si Pablo Cabangon alias Abo, 47, ng Lot II Block 23 Sunrise Ville, Bgy. Bagong Silangan, Quezon City.
   
Batay sa ulat, nagsagawa ng anti-drug operation ang mga tauhan ng PS-6 sa pamumuno ni Chief Insp. Sandie Caparroso bandang alas-8:15 ng gabi sa nasabing address.
   
Isang pulis ang nagpanggap na poseur-buyer at bibili sana ng shabu nang matunugan ni Cabangon na pulis ang kanyang katransaksyon at bumunot ito ng baril at pinaputukan ang pulis, na agad naman gumanti.
   
Tinamaan ang suspek sa kanyang katawan, naisugod pa ito sa East Avenue, Medical Center subalit idineklara itong dead on arrival.
   
Naka-recover ang mga pulis ng .45 firearm at magazine na may live bullets, 3 pirasong plastic sachet na may lamang shabu, at buy bust money na P500.
   
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng QCPD ang naturang operation.