4,585 guests

Marian, bina-bash sa pagpapadede kay Zia

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 516

HOORAY for Marian Rivera, na walang paki sa mga kabi-kabilang bashings na kanyang natatanggap, dala nga ng ginagawa niyang pagpapa-breastfeed sa  one year-old na anak na si Zia, in public. 

For Marian, walang masama na pasusuhin niya ang anak kahit saan man silang mag-ina naroroon, as long as she does it appropriately. Na labis na ikinatu-tuwa at ikinahahanga ng kanyang fellow Kapuso na si Ai-Ai delas Alas, na isa ring ina.
   
Isang asosasyon, the Mother and Child Nurses Association, ang obviously ay hangang-hanga sa pagiging ina ni Marian ang kamakailan ay nagbigay sa kanya ng award, as Breastfeeding Influencer at tamang pagna-nurse ng anak.
   
May your tribe increase, Marian.

* * *

Best friends and two of the most successful local celebrities around, madalas naitatanong kina Vice Ganda at Coco Martin kung sino ba sa kanilang dalawa ang mas mayaman.
   
Well, anang dalawa, sa dami rin daw ng kanilang pinagkakagastusan, tamang-tama lang ang kung anumang naiipon nilang dalawa.
   
“Ang mahalaga,” susog ng dalawa, “nakakatulong kami sa maraming tao. Higit sa lahat, sa aming pamilya.”
   
Both Vice and Coco admit sobrang dinamdam nila ang ’di pagkakapasok sa Magic 8 ng kanilang pangalawang movie together, The Super Parental Guardians in this year’s Metro Manila Filmfest (MMFF). But they were convinced din na ang nangyari can prove a blessing in disguise, as ’di nga ba at may kasabihang when a door closes, a window opens.
   
Now, common knowledge ang pagiging super box office ng The Super Parental... na nagsimulang ipalabas sa 300 sinehan nu’ng Wednesday, November 30.
   
At the rate it’s going, considering that SPG earned a cool P75M on its opening day, walang dudang nalalagpasan nito ang kinita ng kanilang film na pinagtambalan, The Beauty and The Bestie, which was considered last year’s MMFF top grosser, as it grossed more than P500M.

Beauty and The Bestie was produced by Star Cinema na siya ring producer ng  Super Parental.  Directed by Joyce Bernal, featured ang dalawang batang actor na kasama ni Coco sa top rating series na FPJ’s: Ang Probinsyano, sina Onyok Pineda at Awra Briguela.

* * *

Malaking plus factor para kay Eugene Domingo ang makatambal si Jericho Rosales sa kanyang MMFF 2016 entry, Ang Babae Sa Septic Tank 2.
   
Tagahanga daw siya ng actor at matagal na niyang pangarap na makatrabaho ito.
   
Comedy ang pelikula na idinirek ni Marlon Rivera, and obvious na ito ang dahilan why tinanggap ni Jericho ang offer to do the movie.
   
In his ongoing series Magpahanggang Wakas kasi, dramatic to the max ang role niya. Yes, as a man, nanatiling in love sa dating kababata, kahit nang ma-in love na ang babae, na ginagampanan ni Arci Muñoz, sa ibang lalaki at nagkaanak na.
   
Well, in Ang Babae Sa Septic Tank 2, pangako ni Jericho, na with Eugene as his leading lady, they are sure that the film will tackle not just the mind but the funny bone ng mga manonood nito.
   
In Ang Babae Sa Septic Tank, nakasentro kay Eugene ang movie.