4,820 guests

Travel show ni Eric, may twist

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 291

After maging  direktor sa teleseryeng Pasion de Amor ay abala naman ngayon si Eric Quizon sa pagdidirek at paghu-host ng travel show na Happy Life na mapapanood sa GMA News TV.

Ang Happy Life ay produced ng White Lion Media Productions Inc. owned by Chavit Singson at ipapalabas na ito simula Dec. 11, 9:30 a.m.

Ayon kay Eric, kakaibang travel show ang Happy Life dahil meron itong extra purpose at twist. Bibigyan nila ng reward ang mapipiling pamilya, indibidwal, school o komunidad na karapatdapat at tunay na nangangailangan. Pero dadaan daw muna ang pagpili sa matinding pagsusuri.
   
“We primarily showcase the value of helping others with the backdrop of eye-popping destinations readily provided by the Philippines. It’s a lifestyle show, a style all its own,” deskripsyon ni Eric tungkol sa format ng Happy Life.
   
Dagdag pa ng actor-director, “A lot of people need help in the Philippines, sobrang dami. I mean, kung matutulungan ko sila, gagawin ko kaya lang ’yung resources, ’di ba? And most of them isang kahig isang tuka, halos lahat sila ganu’n.
   
“Pero one thing good about Filipinos in general, even if they’re poor, even if they have nothing, they’re somehow contented  with what they have, kung anong meron. At saka tayo, kahit hirap na tayo, maski wala ka at may problema ka, parang nature ng Pinoy ang tumulong,” sey pa niya.
   
And speaking of pagtulong, tuloy pa rin naman daw ang assistance na ibinigay nila sa mga scholar ng foundation na itinayo ng tatay niyang si Mang Dolphy.
   
“Nag-concentrate lang kami sa education. My dad’s foundation, we give scholarship. Meron na kaming 11. Ang hirap lang kumuha ng funding, wala nang masyadong nagdu-donate, eh.
 
“What we do, is I try to talk to schools, schools who are willing to help. Siguro kung marami kaming  funds, mas marami na kaming nabigyan ng scholarship. Wala kaming masyadong funds although we get naman somehow through ’yung sales ng libro ng daddy ko, ’yung mga ganu’n, kaya lang, hindi ganu’n kalaki,” kuwento pa ni Eric.
   
When asked kung kailan ba niya balak magse-settle down. Ang sagot niya, “Ang daddy ko nga hindi nag-settle down, eh. Hindi siya nagpakasal, he never really settle down technically. You know what, konting-konti lang sa amin ang kinasal.
   
“Siguro kasi, nakita namin ang daddy na ganu’n, that is why nobody believes in marriage. I’m not saying na I don’t believe in marriage, pero kung maghihiwalay din lang kayo, what for? Tapos mag-a-annul kayo, ang tagal-tagal bago ma-grant ’yung annulment. It’s good to be in a relationship, kung masaya kayo but if it’s just gonna end up like wala din, so why be in a relationship o why stick in that person? Better na rin na wala,” paliwanag pa niya.