5,326 guests

Asal ni Baron, kinondena ng PAMI!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 374

... aktor, banned sa grupo ng managers

UMAKSYON na ang Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) at binan ang aktor na si Baron Geisler bunsod ng reklamong inihain sa kanila ni Ping Medina kaugnay ng insidente sa shooting ng isang pelikula kung saan inihian siya ni Baron nang wala sa script.

Sa statement na ipinadala ng PAMI chairman na si June Torrejon kahapon, kinondena rin ng grupo ang kabastusang ginawa ni Baron sa kanyang co-actor.
   
Narito ang kabuuan ng pahayag ng PAMI: “The Professional Artist Managers, Inc. (“PAMI”) has called for an emergency meeting in response to the letter of complaint received from actor Ping Medina dated 30 November 2016 regarding an incident that happened during the shooting of a scene for the film “Bubog”, involving his co-actor, Baron Geisler.
   
“Ping Medina wrote that “Baron urinated on my torso and face without my permission.”
   
“PAMI strongly condemns this disgusting act and behavior of Geisler.
   
“After a thorough discussion and deliberation during the meeting, in the presence of Geisler’s manager and PAMI member, Arnold Vegafria, PAMI unanimously arrived at the decision to inhibit all our artists from working with Geisler in any movie and television projects for an indefinite period.
   
“PAMI received Vegafria’s assurance that he will refuse to accept any projects until such time that Geisler is mentally fit and psychologically stable to resume his work as an actor.
   
“In addition, Vegafria filed a formal complaint questioning the capacity of the movie’s producer/director, Arlyn Dela Cruz, to exercise control and assume full responsibility on the set, that could have prevented this regrettable incident to happen.
   
“As managers, when we send our artists to the set, it is with our complete trust that the producer and director will protect and ensure the safety of our artists. 
   
“Therefore, we have also unanimously agreed to inhibit all our artists from accepting any projects involving Arlyn Dela Cruz.
   
“As always, PAMI is together with the industry in aspiring for a healthy, safe and professional working environment.”
   
Kaugnay nito, naglabas din ng statement ang management company ni Baron Geisler na ALV  Talent Circuit ni Arnold Vegafria bilang sagot sa reklamo ni Ping Medina kay Baron na idinaan sa the Professional Artist Managers, Inc. (PAMI).
   
“On behalf of the other members of the PAMI, I gladly acknowledge Ping Medina’s formal complaint against my talent, Baron Geisler.
   
“While we acknowledge Baron’s behavioural lapses, we do not fully agree with th popular decision that he is the only one who is at fault regarding the controversial incident.
   
“We will be discussing this issue over the weekend, and U can assure everyone that we will abide by the majority decision.
   
“Being Baron’s manager, I will abstain from the voting to ensure fairness and impartiality, and will welcome any sanctions against him.”
   
Bitin ang mga nakabasa ng statement, sana raw pinangalanan na rin ni Arnold kung sino ang dapat pang sisihin sa nangyari maliban kay Baron.

* * *

This Sunday ang launching ng Hope for Lupus Foundation na tutulong sa  indigent patients na may ganitong sakit. Si Diwa Rep. Emmeline Aglipay-Villar, ang isa sa mga founder nito kasama sina Melanie Cuevas at Lila Shahani na may sakit ding lupus.
   
Nag-volunteer na sumali sa foundation sina rheumatologists, Dr. Paulo Lorenzo at Dr. Ging Racaza. Members din sina Sidney Salazar at Nadine Bernardino.
   
Gaganapin sa Cultural Center of the Philippines ang launching sa pagpapalabas ng musical with modern dance na Mabining Mandirigma. May binanggit pa si Rep. Emmeline na open exhibit that will show the different phases of lupus. All proceeds will go to the Hope for Lupus Foundation.
   
Ipinauna na ni Rep. Emmeline na hindi nakakahawa ang lupus, kailangan lang ma-diagnose agad at magamot. Mangyari kaya ang wish ni Rep. Emmeline na may lumapit sa kanilang celebrity na may lupus para makatulong sa kampanya nila na awareness sa sakit sa TV at radio?
   
Sa ngayon, normal ang buhay ni Rep. Emmeline sa piling ng asawang si DPWH Sec. Mark Villar at anak na si Emma. Pinagbawalan pa siya ng doctor niyang sundan si Emma at bawal din sa kanya ang ma-stress at sun exposure. Ang payo sa kanya ay maging vegetarian and to maintain a healthy lifestyle, hindi lang nito maiwasang kumain ng lechon na kanyang paborito.
   
Hindi nakakahawa ang lupus, pero incurable at wala pang gamot na nadidiskubre. Ang dasal ni Rep. Emmeline at ibang lupus patients, madiskubre na ang gamot para sa kanilang sakit.

* * *

Kabilang si Barbie Forteza sa inductees ng Walk of Fame this year sa grupo ng mga taga-TV. Tuwang-tuwa ito at feeling niya nakakuha siya ng star sa school. Siya ang ipagmamalaki sa pamilya niya ay “May Walk of Fame Star na ako.”
   
Si Barbie pa lang sa tweenstars ng GMA-7 ang nabigyan ng Walk of Fame, kaya pati mga kasama sa tween, masaya para sa kanya. Dagdag na achievement ito para sa kanya na kinikilala ring magaling na aktres.
   
Anyway, nagsimula na ang mall show nina Barbie at cast ng Meant To Be dahil sa January 9, 2017 na ang pilot ng rom-com series sa direction ni LA Madridejos. Kahapon, nasa Cebu City sila nina Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner. Hindi nakasama si Ken Chan na may ibang lakad.
   
Wala munang lovelife si Barbie after ng break-up nila ni Kiko Estrada. Hindi nito kinukuwento kung ano ang ginawa ni Kiko at bakit agad silang nag-break.