5,459 guests

Kadiri ang inquiry ng Kongreso kay Dayan

  • Written by Itchie Cabayan
  • Published in Opinion
  • Read: 255

Hindi na sana ako sasama pa sa sandamakmak na bumabanat at nagpapahayag hanggang ngayon ng pagkadismaya at pagkabuwisit sa Kongreso kaugnay ng ginanap na pagpa-patuloy na ‘inquiry’ kuno kung saan ang guest ay si ‘macho man’ Ronnie Dayan, ang biglang sikat na driver-bodyguard-lover ni Se-nadora Leila de Lima.

Kaya lang, nakakairita ang ipinakitang pagka-arogante, pagkaabusado at kawalan ng pakialam sa damdamin ng publiko ng ilang kongresista nang manindigan sila na walang mali sa kanilang pinagsa-sabi at pinaggagagawa nang araw na iyon at wala din daw silang da-pat na ihingi ng tawad sa publiko.
   
Oh well, isa ako sa mga nadismaya matapos matiyagang maghintay at manood ng napakahabang inquiry na ’yan. Buong akala ko kasi ay tatalino ako sa aking mapapanood. Nakakabobo!!! As in!!!
   
Hindi ko nabilang kung ilang ulit kong narinig ang tanong kung totoong may sex video sina Dayan at De Lima. Sabi nga ni Dayan, wala silang ‘video sex.’
   
At least dalawa ang natatandaan kong nagtanong. Sina Reps. Gus Tambunting at Leopoldo Bataoil, bukod pa sa isang babaing kongresista. Para bang ’pag umabot sa sampung beses ang pagtatanong ay magbabago ang sagot ni Dayan? Bukod sa pagtatanong ni Fariñas kung anong ‘intensity’ umabot ang pag-iibigan nina Dayan at De Lima, tinanong naman ni Rep. Salvador Belaro kung kelan sila nag-‘climax.’ 
   
Isang congressman ang nagtanong kung tinignan ba ni Dayan ang sinasabi niyang bag ng pera para kay De Lima. Nu’ng sabihin ni Dayan na hindi niya sinilip at sinalat lang niya, ang sagot ng magaling na congressman ay, ‘ang hilig mo namang sumalat’.
   
Nu’ng banggitin ng anak ni Dayan na nakarehistro sa kanyang cellphone si De Lima bilang “TL,” o “Tita Lei,” sabi ni Rep. Rodolfo Fariñas, ang pagkakaalam daw kasi niya sa “TL” ay “True Love” o ‘tulo laway.’
   
Bagama’t hindi sumama nang todo sa mga pagtatanong na may halong sekswal na tono, ito namang si Cebu Rep. Gwen Garcia (although kasama din ’ata siyang nagtanong kung may sex video), naki-pag-usap nang Bisaya kay PNP Chief Bato dela Rosa na para bang nasa dinner table lang. Umapela ang isang congressman na gawing English na lang dahil hindi nga naman lahat ay nakakaintindi ng Bisaya. Ayun. Inulit ang tanungan sa English kaya nasayang na naman ang oras ng lahat. Hayyy…
   
Bago iwan ang inquiry, ipinaliwanag naman ni Rep. Reynaldo Umali na siyang nanguna sa inquiry at hindi sumita sa pinaggagawa ng kanyang mga kasamahan, na kinakailangan ni-yang umalis nang maaga. Kinailangan pa daw niya iurong ang pagtungo sa China dahil sa hearing, chuchu. Pautang na loob ba o pabida ang tawag du’n? Another waste of time.
   
Pero ang pinakamatindi ay itong si Deputy Majority Leader Fredenil Castro. Lahat ay naiinis dahil sa kanyang tanong na kung ang pag-ibig ba ni Dayan ay ‘wagas, dalisay at matatag’? Matapos niyan ay para na siyang sirang plaka sa pagbanggit ng ‘wagas, dalisay at mata-tag” sa kanyang mga follow-up questions na iisa lang naman ang tema.
   
Kung nairita kayo sa linyang ’yan, aba’y ’di hamak namang mas nakakabuset ang mga sunod niyang binitawan na linya: “Finally, Ginoong Dayan, ito ay ginawa mo sapagka’t tapat ang iyong damdamin kay Secretary De Lima? Ang ibig mo bang sabihin sa pagdinig na ito, na ang iyong relasyon kay Secretary de Lima ay hindi lamang upang saluhan siya na magtampisaw sa pagmamahalan kundi siya ay saluhan din sa pagpawi ng init ng katawan? Sagot naman ng kumag na Da-yan: ‘Opo, your honor.’ Tampisaw? Init ng kata-wan? Ano ba namang kla-seng mga tanong ’yan? Nagbasa  na lang sana ako ng ‘Xerex’!
   
Sa totoo lang, hindi ako fan ni De Lima at ni hindi ko nga ibinoto ’yan nu’ng nakaraang eleksyon. Pero kung ang layunin ng mga walang katorya-toryang tanong ay i-establish na may relasyon nga sina Dayan at De Lima, inamin na ito ni De Lima sa isang TV interview. Inamin na din ni Dayan sa presscon. So, ano pa kailangan? Magpulut-gata sila sa harap nating lahat? O personal silang magniig at ‘magtampisaw’ sa putik ng kaligayahan?  Nyahahah! Kala ni De Castro siya lang ha.
   
Going back, ni hindi naman na-establish ng nasabing inquiry ang tunay na dapat sana ay layunin nito, na mapatunayan ang pagkakasangkot ni De Lima sa drug trade sa loob ng National Bilibid Prison. Isang beses lang ’ata nadikdik si Dayan, nag-deny pa na kilala niya ang mga nagsabit sa kanya sa unang pagdinig ukol sa nasabing bentahan ng drugs sa loob ng kulu-ngan. 
   
Nu’ng mabatikos, walang umamin sa magaga-ling na kongresista na may nagawa silang mali. Ta-nging si House Speaker Pantaleon Alvarez ang nagsalita na “may konting hindi tama doon. Kaya lang, siyempre, unawain din natin na doon sa sitwasyon na iyon ay tao rin naman ’yung mga congressman, minsan nakakalimot.”
   
Mabuti pa si Alvarez, marunong umamin. Sabi nga ni Bruce Lee, ‘mistakes are always forgivable, if one has the courage to admit them.’ Ang pag-amin sa isang kasa-lanan, paghingi ng paumanhin at pagiging bukas sa pagbabago ay tatak ng taong disente at matalino. Pero ang manindigan sa isang pagkakamali at magpalusot ay tatak ng kahinaan ng karakter ng isang tao.
   
Kaya hindi mapatawad ng publiko ang mga kongresista, kasi nga hindi sila marunong umamin!    
          
***       

Jokjok (from Juevelyn Alvarez of Ilocos Norte) -- Pedro: Pare! Amoy tinapay ka ah!/Juan: Talaga? Heheh… Teka, anong klaseng tinapay naman, pare?/Pedro: Putok, pare! Putok!?!@!  
           
***

Beauty tip -- Don’t use complicated skincare products. Moisturize skin as often as this prevents wrinkling of skin. (Source: Dr. Rosary May Canay-Diaz of Californian Bloom Aesthetic Institute and Medical Spa/4108424/4669596/09178038240/ 025053987)
           
***

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. or text 0927-7169778.