4,751 guests

Chummy

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 606

Kris, pang-digital na lang!

Maine, tuloy ang ‘pagbubuntis’

MAS inuna ni Kris Aquino na panoorin ang Enteng Kabisote 10 & The Abangers sa opening day nito nu’ng Miyerkules kesa sa movie nina Vice Ganda at Coco Martin, huh!

Naka-post sa social media ang picture ni Kris sa isang sinehan at katabi niya ang phenomenal star na si Maine Mendoza. Eh, nasa isang kuwadra na ng management sina Kris at Maine kaya chummy-chummy na ang drama ng dalawa, huh!

Ibinuking na rin ni Tetay ang taong tsinika-tsika niya para sa kanyang Facebook live at si Meng nga ito. #KrisMeetsMaine pa nga ang hashtag niya sa Instagram habang naghahagikgikan sila ng phenomenal star. Tama ang hula ng followers niya sa clue na ibinigay kung sino si MM.
   
Tanggap na rin naman ni Kris na hanggang digital muna ang byuti niya. In fairness naman, pinaghandaan niya ang pagpasok sa bago niyang mundo dahil namili pa siya ng imported na gamit sa Hong Kong, huh!

* * *

SPEAKING of Maine, tuloy pa rin ang “pagbubuntis” niya sa Kalye Serye ng Eat Bulaga. Feeling nga ng marami, sila ni Alden Richards ang millennial version ng John En Marsha na pinasikat ang mga yumaong bida sa sitcom na sina Dolphy at Nida Blanca, huh!
   
By next year, inihahanda na ng GMA Network ang series nila sa primetime ni Alden. Ang local version nga ng Koreanovela na My Love From The Star ang balitang gagawin nila.
   
Eh, kahit sa original version ay mas matanda ang bidang babae sa bidang lalaki, fantasy naman ang Korean series kaya puwedeng baguhin ito, huh! Tutal naman, gaya ng bidang babae sa Koreanovela na kikay, super-kikay rin talaga si Meng.
   
Anyway, just recently, lumikha na naman ng record sa endorsement si Maine. Hindi kasi maipagkakailan na anuman ang iendorso niyang produkto, eh, nagiging number one, huh!
   
Ito kasi endorsement ng phenomenal star ng Young Pork Tocino, aba, ito na ngayon ang top-selling tocino sa market, huh!
   
“I am a proud endorser and I’m happy and flattered that I helped somehow in making CDO Funtastyk Young Pork become the top-selling tocino here in the country,” saad ni Maine.
   
Nasa cast din pala ng Enteng Kabisote 10 sina Maine at Alden.