5,702 guests

Alden, inaabangang magkamali!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 735

Ngayong Friday ang Asian TV Awards sa Singapore na isa si Alden Richards sa host at ang fans, inaabangan ang paghu-host ng aktor. Ang bashers, inaabangan na magkamali ang aktor. Whatever, ang importante, si Alden ang napili sa Pinoy actors.

Samantala, pagbalik pa pala ni Alden ang storycon ng teleserye nila ni Maine Mendoza. Hindi ito natuloy bago siya lumipad for Singapore. Pinapaganda ang TS ng dalawa at nakatatlong revised pa ang script.

For airing next year ang TS ng AlDub, may cast na, may title na pero papalitan pa, kaya hindi muna namin isinulat. Happy ang fans ni Alden to watch him in serious acting again.

* * *

Hindi rin alam ni Director Laurice Guillen kung bakit magkaiba ang English at Tagalog version ng  The Ten Commandments at Ang Sampung Utos ng Diyos. Sunod sa Tagalog version ang soap na Ika-6 Na Utos. Hindi rin siya aware na batay sa life story ni Sunshine Dizon ang soap. May concept at may cast na nang i-offer sa kanya.
   
Careful si Direk Laurice sa language, images at intimate scenes ng Ika-6 Na Utos dahil sa afternoon ang time slot. Pero tama ang time slot nito dahil mga mommy ang nasa bahay at nanonood na madalas biktima ng pagloloko ng mga asawa. Sa December 5, after Eat Bulaga ang pilot nito.
   
Proud si Direk Laurice sa kanyang cast, very professional at magagaling. May mga nag-warning sa kanya kay Sunshine na baka magkaproblema siya.         “When I met her and we started taping, ’di ako nahirapan. Professional siya at mahusay. Now I understand why her show last dahil malakas siyang artista. Malawak siya gaya ni Judy Ann  Santos. I’m happy to discover she’s a very good actress.
   
“I’m always comfortable working with Gabby. I’ve worked with him in Rosenda, hindi pa rin siya nagbago. But he’s better now, more relax at mas may confidence.”
   
“It’s my second time with Ryza at na-workshop ko na siya. Wala siyang kiyeme, simple, pero may sensuality. Nang malaman kong kasama siya sa cast, alam kong ’di niya ako aartehan and she’ll be cooperative,” sabi ni Direk Laurice.

* * *

’Katuwa ang tsika ni Nar Cabico na mula nang mapanood siya sa TV dumami ang kamag-anak nila at in fairness, kilala naman ng nanay niya at ipinapakilala sa kanya. Biniro ng reporters si Nar na mas dadami ang relatives nila ’pag nanalo siya sa Superstar Duets at sumikat pa.
   
Kasama si Nar sa top 4 ng Superstar Duets at dahil consistent sa pagiging magaling mula pa noong mag-pilot ang show, malakas ang laban niyang manalo sa final sa December 17. Manalo at matalo, masaya siyang maging part ng show at ang usapan nila ng co-finalists, mag-enjoy na lang sila.
   
Ibinalita ni Nar na may offer siyang mag-perform sa New Jersey at under nego na. Sa Instagram (IG) lang siya napanood at nakita ang husay niya. Blessing kay Nar ang offer at wish nitong masundan pa.

* * *

Sa kanyang FB post, may huling mensahe si Baron Geisler. “Para p sa mga aking nasaktan, Patawad po. Para pos a mga nagmamahal sa akin at patuloy na naniniwala, maraming salamat po.”
   
Para kay Ping Medina: “Alam ko na meron din akong pagkakamali kaya humihingi ako ng tawad. Pare pasensya na. Kung ano man ang mga sinabi mo sa media okay lang at kung ano pa man ang sasabihin mo okay lang din. Alam ko na maaayos din ang lahat, aantayin ko nalang yung araw na magiging maayos din ang lahat sa atin.”

* * *

Friday sa Alyas Robin Hood, shocked si Dean (Sid Lucero) nang makita si Pepe (Dingdong Dantes) at susundan, pero nakapasok sa elevator. Hindi gumagana ang CCTV sa resorts, kaya walang nakita. Magbabayad ng chambermaid at security si Dean para hanapin si Pepe.
   
May nagmamasid sa room nina Pepe, pero sina Frida at Junjun lang ang nakita. Magdedesisyon sina Venus (Andrea Torres) na baguhin ang identity ni Pepe dahil may naghahanap na dito. Nasa resort si Sarri (Megan Young) at nang magpahangin, makakabangga nito si Pepe.