4,628 guests

Team Daniel, wagi sa All-Star Kapamilya Basketball Playoffs

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 609

Dumagundong ang SM Mall of Asia Arena sa sigawan ng daan-daang fans nang manalo ang Black Team ni Daniel Padilla laban sa Blue Team ni Gerald Anderson sa katatapos na Kapamilya Playoffs: All Star Basketball Game noong Linggo.

Naging mahigpit ang labanan ng dalawang koponan na kapwa may kani-kanyang pambato. Matapos ang laro, nanalo ang Black Team na pinangungunahan ng team captain na si Daniel Padilla sa score na 96-93.
   
Bukod kay Daniel, tinanghal na Mythical 5 sa friendly game sina Ronnie Alonte, Young JV, Axel Torres at Gerald Anderson na team captain naman ng kabilang grupo.
   
Si Axel ang nag-uwi ng Most Valuable Player award dahil sa walang mintis na mga tira ng two at three points shots sa court.
   
Kabilang sa Black Team sina Zanjoe Marudo, Joseph Marco, Vin Abrenica, Anjo Damiles, Marco Gumabao, Patrick Sugui, Axel Torres, Jon Lucas, Paulo Angeles, Ronnie Alonte at Xian Lim.
   
Pinangunahan naman nina Rayver Cruz, Jason Abalos, Matt Evans, Diego Loyzaga, Young JV, Jimboy Martin, Miko Raval, Gerard Acao, Joe Vargas at Ejay Falcon ang Blue Team.
   
Ang aktres ng MMFF 2016 entry na Vince and Kath and James na si Julia Barretto ang nanguna sa ceremonial toss. Samantalang, nag-perform naman sina Inigo Pascual at Alexa Ilacad sa pre-show event.
   
Spotted rin para sumuporta sa Black Team si Kathryn Bernardo with matching banners at all out ang suporta kay Daniel. Present din sina Bea Alonzo at Kim Chiu para makisaya sa Kapamilya Playoffs.
   
Present rin sina Ria Atayde, Dani Barretto, Joshua Garcia at GirlTrends members na sina Erin Ocampo, Chienna Filomeno at Loisa Andalio. Kasama naman sa awarding ceremony ang sikat na volleyball player na si Alyssa Valdez.
   
Naging mas exciting ang laro dahil naging parte ang PBA Legends na nagsilbing coaches ng dalawang koponan -- sina Alvin Patrimonio at Benjie Paras para sa Black Team, at si Jerry Codiñera naman para sa Blue Team.
   
Mapapanood ang Kapamilya PlayOffs: All Star Basketball Game sa December 11, 4 p.m. sa ABS-CBN Sports and Action Channel.