6,487 guests

Drug surrenderer itinumba

  • Written by Mamer Bañez
  • Published in Provincial
  • Read: 86

DINGALAN, Aurora -- Isang drug surrenderer ang pinatay ng hindi pa nakikilalang suspect sa Bgy. Tanawan, dito, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Domingo Javier 42, ng River Side 1, Bgy. Sawmill, Gabaldon, Nueva Ecija.
   
Sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay galing sa isang sabungan noong Sabado ng hapon nang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen.
   
Agad namang rumesponde ang Dingalan pulis subalit agad namang binawian ng buhay si Javier sanhi ng walong tama ng bala tumama sa katawan.
   
Ayon naman sa Gabaldon police, ang biktima ay kusang sumuko sa pulisya kaugnay sa drug use.