5,255 guests

Jean, pinagsabay ang 2 Chinoy

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 333

MAY kissing scene si Jean Garcia kay Jake Cuenca sa Mano Po 7: Chinoy ng Regal Entertainment na showing on Dec. 14. Pero hindi raw ito kasing  passionate ng halikan nila ni Derek Ramsay sa The  Escort.

“Kay Jake kasi, kiss lang naman talaga. Saka may damit naman kami,” sey ni Jean.

Nang usisain namin ang tungkol sa kanyang lovelife, aminado ang aktres na 2  years na siyang walang boyfriend.
   
“Wala pa. Pero nagdi-date naman ako.”
   
Eh, ’di matagal na siyang tigang?
   
“Ha-ha-ha! Ewan ko sa inyo. Pinaglalaruan n’yo na naman ako,” sabay halakhak niya.
   
Hindi pa ba siya nakakapili ng magiging boyfriend sa mga nakaka-date niya?
   
“Wala pa. Ayoko pa.”
   
Na-try niya na ba ang Chinoy?
   
“Ha-ha-ha!” halakhak ulit niya. Sabay amin na, “May dini-date akong dalawang Chinoy ngayon.”
   
Alam ba nila ’yon?

“Hindi naman ako committed, eh. I’m dating and they know.”
   
Mas masarap ba ang Chinoy kesa Pinoy?
   
“Okey naman ang Chinoy.  Pareho lang naman sila ng Pinoy,” natatawa pa niyang pahayag.
   
Samantala, asawa ni Richard Yap ang role ni Jean sa Mano Po 7: Chinoy. Ayon sa kuwento ni Jean, nagkaroon daw siya ng affair kay Jake dahil hindi na siya kinakausap at pinapansin ni Richard.
   
Kasama rin sa movie sina Enchong Dee, Jessy Mendiola. Eric Quizon, Janella Salvador at marami pang iba.        (LEO BUKAS)