6,033 guests

‘Usapang pulis’

  • Written by Paul Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 194

Paul's Alarm

BAGO ang lahat, bi­nabati natin ang Quezon City Police District (QCPD) sa pa­ngunguna ni District Director, Guillermo Eleazar sa pagdiriwang ng distrito sa ika-77 anibersaryo nito.

Nagpapasalamat din tayo sa magandang samahan ng hanay ng media at ng mga “pulis-Kyusi” sa pangunguna siyempre ng QCPD Press Corps sa ilalim ni kasamang Almar Danguilan at ng NCRPO Press Corps sa pangu­nguna naman ni kasamang Lily Reyes.

Oh yes, PNP chief, Bato dela Rosa, kung “nakakaiyak” malaman na ang iba mo palang mga kasamang tauhan sa mga ginaganap na pagdinig sa Kongreso at Senado ay “sabit” bilang mga “protektor” ng iligal na droga, dapat din ka rin namang “mapangiti” na may mga opisyal kang tapat na tumutupad sa kanilang tungkulin ka­tulad nitong si DD Eleazar at ang kanyang buong kapulisan.

At siyempre, hindi puwedeng alisin sa listahan ng mga matitino at ehemplong pulis ang i­yong ‘mistah’ na si NCRPO director, Oscar Albayalde.

Sa totoo lang mga kabayan, sa mga pagkaka­taon na “kasalamuha” natin sina DD Eleazar at RD Albayalde, ‘impressive’ ang kanilang ipinapakitang kababaang-loob at propesyunalismo.
   
In short, ‘reflection’ ang kanilang mga ugali ng ating Chief PNP na “bumilib” tayo sa pagkatao at karakter. Very humble, very straightforward and again, very professional.
   
At salamat ulit, DD Eleazar, sa pagkilala mo sa mahalagang papel ng media sa pamamagitan ng mga ‘award’ na ibinigay mo sa ilang indibidwal na mamamahayag at mga organisasyon katulad ng QCPD Press Corps, NCRPO Press Corps at siyempre, sa National Press Club, sa pagtitipon kahapon sa Camp Caringal. Mabuhay ang ating matitinong pulis!
   
Napag-usapan na rin lang ang mga matitino at propesyunal na mga pulis, kudos din sa MPD Traffic Division sa ilalim ni Supt. Lucile Faycho, ‘who went out of her way,’ wika nga, upang makausap ang mga opisyal ng NPC kamakailan.
   
Salamat po, sa pagbisita sa NPC, Col. Faycho at asahan po ninyo ang suporta ng aming kasapian sa inyong trabaho na alam namin na pulos sakit ng ulo at “kontrobersiya,” hehehe.
   
At nagpapasalamat din siyempre ang mga dumadaan ngayon sa Magallanes Drive, Intramuros dahil sa biglaang pagluluwag ng trapiko sa lugar.
   
Ang operasyon ay bahagi ng “inisyatiba” ni Col. Faycho na “walisin” ang mga ‘obstruction’ sa mga lansangan ng Maynila na siyempre ay “direktiba” ni Mayor Erap at MPD director, Jigs Coronel.
   
Sa nangyari, ang mga nagalit lang naman ay ’yung mga “tulisan” d’yan sa Intramuros, sa nakasasakop na mga barangay at ’yung mga hao-shiao na ‘media’ na kumikita sa pangungolekta sa mga ‘illegal parking’ sa kahabaan ng Magallanes Drive.
   
But again, keep up the good work, Col. Faycho. Suportado ta ka!