5,518 guests

Gabbi, pang 17th dance si Ruru sa debut

Ruru Madrid, Gabbi Garcia Ruru Madrid, Gabbi Garcia

PANG-17th dance lang si Ruru Madrid sa 18th birthday ni Gabbi Garcia  na gaganapin sa isang five-star hotel  sa December 6. Ang pang 18th dance ng debutant ay kanyang loving father. Katwiran ni Gabbi,  wala silang relasyon ni Ruru. Hindi pa nga raw nanliligaw sa kanya ang binata ng dating singer-actor na si Bong Madrid.

Ani Gabbi: “ Proud ako kay Ruru dahil super maalaga siya sa akin. Kaya siya ang super close na actor sa akin ngayon. Pumupunta siya sa bahay namin kapag pareho kaming walang taping. Lumalabas kami minsan para manood ng sine, pero may chaperone.”

Ang debut party ng actress ay tinawag na #SincerelyGabbi. Ani Gabbi: “ I want it to be a night where all my loved ones are present. Pero, ayaw ko ng masyadong traditional. I want to have the typical 18’s but not strictly going  by the rules. I just want to spend a fun night with all the special people in my life.”

Ang  gagawa ng special na gown ni Gabbi  ay ang sikat na couturier na si Mark Bumgarner. Kabilang sa tumulong kay Gabbi para maging memorable ang kanyang  debut ay ang GMA Network, GMA Artist Center, Marriot Hotel, Le Reve Events Venue, Blufish Photography, Jason Magbanua, Teddy Manuel, Mark Bumgarner, Martin Bautista, Kat Cruz, Jason delos Reyes, Mark Anthony Rosales, Patty Tiu of Deuce Manila, Bespoke Manila, Rabbithole Creatives, Luce Acustico, Printcity, La Luz Beach Resort,  Gluta-c, Solane, Center for Advanced Dentistry, Nailandia, Honeyglaze cakes, The Makeup Studio team by Madge Lejano.

Dingdong, itinaas lalo ang standards ng mga babae sa lalaki

IBANG klase pa rin ang charisma ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes dahil sa pagpapakilig niya on-screen at off-screen. Habang maraming umiidolo sa kanya dahil sa husay ng pagganap niya bilang Pepe sa Alyas Robin Hood, napukaw din niya ang puso ng kanyang followers dahil sa pag-post nito ng picture ng billboard ng asawang si Marian Rivera na nadaanan niya habang bumibyahe. Kalakip ng picture  na iyon  ang caption na, “Nakaka-good vibes naman ‘tong mukhang ito. Can someone introduce me to this model?” Kahit may asawa na ay parang nagliligawan pa rin ang Kapuso royalties kaya naman marami ang kinilig at nainggit sa klase ng relasyon nilang dalawa at itinuturing ilang #RelationshipGoals.
 
Janine, lalong naging blooming at ganado sa trabaho

WALANG bahid ng pagkasawi ang itsura ni Janine Gutierrez, at napakagaan ng aura niya kahit na kamakailan ay kinumpirma niyang single na nga siya ulit. Positive vibes lang siya lagi at naka-focus na siya ngayon sa kanyang career. Masarap hangaan ang mga babaeng katulad niya dahil kitang-kita sa kanya ang poise at class. Inamin din naman ni Janine na hanggang ngayon ay nasa proseso pa siya ng pag-move on pero ayon sa kanya ay dinadaan niya ito sa good vibes at positive na pananaw sa buhay. Mukhang nae-enjoy naman niya ang single life ngayon dahil ganado siya sa bago niyang proyekto kasama si Aljur Abrenica sa Usapang Real Love.

Ybarro noon at ngayon, nagkaharap na

KUNG ikinatuwa ng mga Encantadiks ang pagkikita ng dalawang Alena, marami rin ang nagbunyi nang magkita ang dalawang Ybarro. Marami ang natuwa sa litratong ipinost ni Ruru Madrid kung saan kasama niya ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Wala pa ring kupas ang tikas ni Dingdong samantalang napaka-fresh naman ng aura ni Ruru. Nakakatuwang malamang malakas ang suporta ng mga dating miyembro ng cast sa mga bumubuo ng Encantadia ngayon kaya naman kitang-kita on screen ang ganda ng samahan nila. Ito na siguro ang sikreto kung bakit patuloy ang pamamayagpag nito sa ratings.

Jazz, bibida sa isang Indonesian film

PANG-international talaga ang Kapuso talents dahil isang GMA Artist Center star na naman ang napili ng isang international film para gampanan ang isa sa mga lead roles nito. Kasama si Jazz Ocampo sa isang Indonesian horror film na pinamagatang Santet (Black Magic) at masayang-masaya ang Kapuso star sa pagkakaroon niya ng pagkakataong magkaroon ng project abroad. Mabilis na nakasundo ni Jazz ang kasama niyang Indonesians sa pelikula lalo na ang gumaganap bilang little sister niya sa pelikula. Nag-iwan ng comment ang co-star niyang si Meittzy sa litrato nilang dalawa sa social media.