4,786 guests

2 patay sa saksak sa Abra

  • Written by Cesar Reyes
  • Published in Provincial
  • Read: 187

ABRA -- Dalawa ang patay sa magkahiwalay na insidente ng pana-naksak sa bayan ng Bangued kamakalawa.

Dakong 8:50 ng gabi sa Sitio Bacsil, Dangdangla, Bangued, si Dexter Millare, 30, binata, tricycle driver, ay sinaksak ng suspek na kinilalang si Sherwin Navarro Vasquez, 40, may asawa, construction worker, parehong nakatira sa nabanggit na lugar.
   
Sa imbestigasyon ng Bangued Municipal Police Station, ang biktima, kasama sina Fredie Navarro Vasquez at Samuel Bernal, ay nagkaroon ng drinking session sa bahay ng isang Rollie Bernal. 
   
Dahil sa kalasingan, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Fredie at Dexter. Habang nagtatalo ang dalawa, dumating ang suspek na si Sherwin at biglang sinaksak ang biktima ng ilang beses sa dibdib at likod.
   
Ang biktima ay isinugod sa Seares Memorial Hospital ng mga kamag-anak pero idineklara itong dead on arrival ng tuminging doktor. Nadakip agad ng mga rumespondeng miyembro ng Bangued MPS ang suspek na armado pa ng patalim.
   
Sa Bgy. Cabuloan, Bangued, alas-11:55 ng gabi, nasaksak naman ang isang Jonel Bolaño, ng Bucay, ng suspek na kinilalang si Jefrel Re-gonton, ng Bangbangar, Bangued.
   
Ayon sa ulat ng Bangued MPS, ang suspek at ang biktima, kasama ang isang Ryan Calibuso, ay dumalo sa isang party at nagkaroon ng inuman sa bahay ni Bernard Castillo, 32, binata, guro, ng Cabuloan.
   
Dahil sa sobrang kalasingan, nagkaroon ng mai-nitang pagtatalo sina Ca-libuso at Regonton na nauwi sa suntukan. Inawat ni Jonel si Jefrel pero siya ang pinagbalingan at sinaksak sa katawan at agad tumakas.
   
Naisugod pa sa Seares Memorial Hospital sa Bangued ang biktima kung saan idineklara itong dead on arrival.
   
Kasalukuyang pinaghahanap ang suspek.