4,507 guests

Kathryn at Mommy Min, big influence kay Daniel

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 483

Inamin ni Daniel Padilla na balak niya ulit bumalik sa pag-aaral pero hindi pa niya alam kung anong course ang kanyang kukunin.

“Siyempre ang sarap pa rin ng pumapasok ka sa school talaga. Siyempre may mga natututunan ka talagang mga bagay na hindi mo basta-basta matututunan (kung wala ka sa school). Iba ’yung dire-diretso kang natututo,” sambit niya sa isang interbyu.
   
Patuloy pa ni Daniel,  “Gusto ko ng Psychology, gusto ko ng Philosophy. Meron akong kasama sa kurso ko na ’yun, ’yung tito ko.”
   
Inamin din ng anak ni Karla Estrada na malaking impluwensiya sa balak niyang pagbabalik sa school si Kathryn at ang nanay nitong si Mommy Min.
   
“Si Kathryn ang isa sa mga impluwensya ko talaga. Pati si ermat, ermat ni Kathryn lalo. Lagi iyan, ‘Mag-aral ka na DJ.’ Okay naman,” pahayag pa ng aktor.
   
Samantala, next year (2017) ay muling magbibida sa isang teleserye sina Kathryn at Daniel. May gagawin din silang pelikula na siguradong aabangan ng KathNiel fans and supporters.