7,096 guests

Rhian, biktima ng sexual harassment

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 460

Biktima ng sexual harassment si Rhian Ramos at ikinuwento niya ang buong pangyayari sa Instagram (IG). Sabi nito, naimbita siya ng mga kaibigan na lumabas na four months na niyang hindi ginagawa dahil may inaayos na show. Sa the same place, may lalaking lumapit sa kanya at pinisil ang puwit niya.

Inakala ni Rhian na ’pag nangyari sa kanya ’yun, lalaban siya, pero naiyak na lang siya. Sinabi niya sa two male friends ang ginawa sa kanya. Nilapitan ng friend niya ang lalaki na nag-deny. Tinanong siya ng second male friend kung gusto niyang mapalabas ang lalaki.

Ang sagot niya, gusto lang niya ng apology. Dinala ng friend niya sa kanya ang lalaki, lumuhod ito at nag-sorry. Pero feeling ni Rhian, ang sorry ng lalaki ay dahil nahuli siya at hindi bukal sa loob.
   
Ang nakakaloka, inulit ng lalaki ang pagpisil sa puwit niya nang paalis na sila at agad tumakbo. Hinabol niya ito, pero nakaalis na sa venue ang lalaki, sakay ng kotse nito.
   
Sabi ni Rhian, slacks at loose top ang suot niya at ni hindi tumingin sa lalaki, pero nangyari pa rin ang pambabastos sa kanya. Kahit scantily dressed, hindi pa rin kasalanan ng babae na bastusin siya ng kalalakihan.
   
Nag-imbestiga si Rhian at nalaman ang name, business, family at friends ng lalaki at nalamang may mga anak itong babae, kaya hindi binanggit ni Rhian ang pangalan ng lalaki para sa mga anak nito. Nakabalik na ng Cebu ang lalaki, pero by now, natawagan na siguro siya ni Rhian at nakapag-decide na ito kung ano ang gagawin sa nambastos sa kanya.
   
Bilang panghuli, sabi ni Rhian, “To remind guys to defend the honor of the girls they invite out (and if you can’t do it, huwag ka nang mangimbita). To remind fathers to think about what then would do if someone had touched their daughter. And to encourage men to read up on what is considered as Sexual and Street Harassment. I hope street harassment will be penalized not only in QC, but in the rest of the Philippines as well.”

* * *

Ang daming apektado sa last Friday episode ng Someone To Watch Over Me, ito ‘yung episode na nag-suggest si TJ (Tom Rodriguez) Joanna (Lovi Poe) na ipa-annul nila ang kanilang kasal para matahimik at hindi na mapagod si Joanna sa pag-aalaga sa kanya na may sakit na Early Onset of Alzhemimer’s Disease.
 
Sa husay nang pagganap nina Lovi at Tom sa kanilang karakter, sumabay sa kanilang umiyak ang viewers. Ang galing ni Lovi sa nasabing eksena na mapapanood pa this Monday. Sa sobrang intense ng eksena, pati writer ng episode, umiyak while watching STWOM.
 
Sa post ng writer na “Nakakaiyak na isulat, nakakaiyak pa mapanood. Bilib talaga ‘ko sa ‘yo @lovipoe forever.” Ang sagot ni Lovi ay “Thank you for watching tonight’s episode and for all of the wonderful words!! Makes all of the tears, sleepless nights and hardwork of the whole #STWOM team worth it. to top it all off...one of the best feelings...when one of our amazing writers appreciates the work you do.”
 
Samantala, namimili ng gamit sa bahay si Lovi dahil lilipat sa kanyang condo para mas malapit sa trabaho. Ang ganda ng condo nito, parang ayaw mong lumabas.

o-O-o

Pinagsama sina Gabby Concepcion, Ryza Cenon, Mike Tan at Sunshine Dizon sa Afternoon Prime na Ika-6 Na Utos sa direction ni Laurice Guillen. PNaka-relate si Sunshine sa role niyang si Emma na ipinagpalit ng asawa sa ibang babae dahil pinabayaan ang sarili at tumaba.
 
Dream come true naman kay Gabby ang project. “Dream come true. I have always wanted to be a #pilot and now kahit dream lang, ay malaking pasasalamat ko sa kataas taasan. Excited to work with my beautiful and very talented leading ladies.”
 
Bagay kay Gabby ang role ng isang piloto at enjoy ito sa taping nila sa airport at sa loob ng eroplano kahit naka-stand by lang at hindi lumilipad ang eroplano. Sa December na ang airing ng Ika-6 Na Utos.              

o-O-o

Monday sa Alyas Robin Hood, makikipagbakbakan sina Pepe (Dingdong Dantes) at Venus (Andrea Torres) sa goons ni Wilson (Dennis Padilla). Bilib si Wilson sa magic show ni Jojo (Joross Gamboa) at mapapatulog nito ang lahat gamit ang mahika.
 
Huhulaan nina Pepe at Venus ang combination ng vault gamit ang decoding device pero iang beses silang mabibigo. Mahuhuli na sana ni Daniel (Paolo Contis) si Wilson, kaso natakasan sila nito. Finally, nabuksan ang vault, pero wala ang pera. Dala ni Wilson ang maleta ng cash at iniwan sa construction site.
                                                                       -end-

P.S.Leo, put pictures of Rhian Ramos, Lovi Poe & Tom Rodriguez & Gabby
 
              
Concepcion, Ryza Cenon & Sunshine Dizon. Tnx!