6,712 guests

Frat man pinatay ng kalabang frat

  • Written by Jun I. Legaspi
  • Published in Metro
  • Read: 309

PATAY ang isang frat member makaraang pagbabaralin ng kalabang fratmen sa Quezon City, ayon sa pulisya.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Allan Ravarra, 35, painter, miyembro ng AKHRO fraternity at kasaluyang nakatira sa No. 95 Dhalia St., Bgy. Paya­tas, QC.

Si Ravarra ay agad na na­sawi dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo at katawan.

Base  sa report ng Criminal Investigation  and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, bandang alas-10 ng  gabi kamakalawa nang maganap ang madugong insidente sa tapat ng bahay ng biktima sa naturang QC barangay.

Nakatayo lamang umano si Ravarra at nagpapaha­ngin sa tapat ng kanyang bahay nang bigla na lamang sumulpot ang  tatlong motorsiklo sakay ang pito umanong kalabang fratman na nakasuot ng ski mask at helmet.
   
Ilang saglit, basta na lamang pinagbabaril ng mga suspek ang nabiglang biktima na duguang  humandusay sa lupa.
   
Mabilis na tumakas  ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo  sa direksiyon ng Montalban, Rizal.
   
Samantala, una rito, dakong alas-9 ng gabi, sa tapat ng Ever Gotesco Supermarket sa may Commonwealth Avenue, Bgy. Batasan, QC, basta na lamang sumulpot ang armadong lalaki at walang sabi-sabing binaril sa ulo at katawan si Ernesto Bulauan Jr., alyas Dagu, 20, ng No. 34 Kasiyahan St., Batasan Hills, QC.
   
Naisugod sa East Avenue Medical Center si Bulauan subalit hindi na naisalba ang kanyang buhay.
   
Kaugnay nito, agad pinaimbestigahan ni QCPD director Chief Supt. Guillermo Eleazar sa CIDU ang madugong insidente sa naturang mga lugar at hulihin ang mga salarin paramabigyan ng hustisya ang mga biktima.