8,832 guests

Carlo Aquino, ikakasal na!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 919
Nicole Laurel Nicole Laurel

LUMALABAS ang pagiging matalinhaga ngayon ni Aljur Abrenica matapos ang reconciliation nila ni Kylie Padilla. Sa Instagram account inihahayag ng Kapuso hunk ang pagmamahal kay Kylie.

Pati nga secret picture nila sa biyahe sa Japan, pinost  ni Ajur habang background nila ang rebulto ng kilalang pusa na si Hachiko. Kahit three days ago pa ’yon, marami pa rin siyang followers na kinikilig, huh!

“I got your back, front, side and under… Hachiko would be proud,” caption ni Aljur.

Sa totoo lang, sa pinagawang bahay sa QC naganap ang pag-amin ni Aljur sa balikan nila ni Kylie.  Mas marami siyang pahahangain kapag si Kylie na ang ibinahay niya roon lalung-lalo na si Robin Padilla, huh!

* * *

IKAKASAL na pala si Carlo Aquino sa non-showbiz girlfriend ngayong Disyembre. Ibinalita ’yan ni Arnold Clavio sa programa niya sa DZBB dahil nagpa-salamat siya sa pagdalaw ng magiging couple sa pagkuha sa kanya bilang ninong.

Isa si Carlo sa  aktor na never nababanggit ang lovelife. Mas nangingibabaw kasi ang galing niya sa pag-arte kesa sa personal life niya.
   
Ang isa pang aktor na malapit na rin ikasal ay si Luis Alandy sa non-showbiz girl din. Sosyal nga ang prenup nila na ginawa sa Lake Tahoe, huh!

Isa pang Laurel, sasabak sa music scene!

ISA na namang Laurel ang pumasok sa music industry, si Nicole Laurel Asensio, anak ng singer na si Iwi at pinsan ni Denise Laurel.
   
Sa 12 Monkey Music Hall and Pub sa Century Mall sa Makati aming napakinggan si Nicole para sa Ultimate Kasarapan kung saan suportado ni Atty. Ferdie Topacio ang kanyang singing career.
   
Nag-solo na si Nicole ngayon matapos maging vocalist ng General Luna. May album na rin siyang ni-release, ang Schizoprano at ilan sa cuts dito ay ang songs na Leader For A Day, All in All, Atin Lamang at iba pa mula sa MCA Music, Inc.
   
Pero sa hindi pa nakaaalam, sumabak na rin siya sa isang international movie. Kaya naman kung mabibigyan ng break sa TV, gusto niyang lumabas na kontrabida. Eh, ang bonding pala nila ni Denise ay umarte. Si Denise ang gumagawa ng istorya at siya rin ang bida habang si Nicole ang kontrabida.
   
Pamangkin si Denise ni Cocoy Laurel at apo ng opera singer ni Fides Cuyugan-Asensio sa father side. Pero kahit nasa mundo rin sila ng pulitika, never pumasok sa isipan niyang pasukin ito gaya ng lolo niyang naging presidente ng bansa, si Jose P. Laurel.
   
Anyway, nagpapasalamat nga pala ang UE Law Alumni Association kay Atty. Ferdie na isa sa nagsilbing hosts sa nakaraang 65th Homecoming ng asosasyon sa Century Park Sheraton.