4,911 guests

Lola tigok, 2 sugatan sa sunog

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 173

Nasawi ang isang 60- anyos na lola habang dalawa pang residente ang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa Bgy. Tandang Sora, Que-zon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Emerita Duyan, ng 96 Gen. Avenue, Bgy. Tandang Sora, QC.   Sugatan naman sina Patrick Jagwas, 21, at Helen Galoran, 70.
   
Ayon kay Senior Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, nagsimula ang sunog dakong alas-3:53 ng madaling araw sa dalawang palapag na bahay ng pamilya Duyan, partikular sa kusina.
   
Sinasabing mula sa kalan ay kumalat ang apoy at dahil gawa lamang sa light materials ang bahay ay mabilis na kumalat ito hanggang sa mga katabing bahay.
   
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fireout dakong alas-5:15 ng umaga.
   
Sa clearing operation ng mga bumbero ay saka natagpuan ang bangkay ng biktima sa pintuan ng kanyang bahay.
   
Nasa 20 bahay ang natupok at 60 pamilya ang nawalan ng tahanan sa nasabing sunog, na ang pinsala sa ari-arian ay umabot sa P200,000.