12,044 guests

Paulo, dumidistansya sa may asawa

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 531

TINANONG si Paulo Avelino sa presscon ng The Unmarried Wife kung nakikita niya ang sariling maging married someday. Aniya, siyempre, hoping siya.

“Hoping to get married someday, pero tingnan natin. Kumbaga, kinu-consider ko pa naman ’yung sarili kong bata at marami pa akong gustong gawin at gustong magawa bago ako mag-settle down,” pahayag ng aktor.

Kung ang role niya sa The Unmarried Wife ay isang binatang umibig sa babaing may-asawa, sa totoong buhay ay hindi raw niya gagawing manira ng relasyon ng may relasyon.
   
“Para sa akin, automatic, ’pag may karelasyon or may asawa na ’yung babaing kaharap mo, siyempre, parang may limitasyon ka na, alam mo na kung hanggang saan. Alam mo na hindi mo pwedeng pormahan.”
   
Kung sakali naman daw na talagang mag-fall siya sa babaing may karelasyon, aniya, itatago na lang niya ito sa sarili at hihintayin na lang ang panahong libre na ang girl.
   
Abangers na lang daw ang drama niya.
   
“Aabangan mo na lang,” natatawa niyang sabi.

* * *

Hindi pa nakikita ni Angelica Panganiban ang sarili na maging “married woman” in the near future dahil hindi pa raw niya nakikita ang lalaking makakapagpa-surrender sa kanya.
   
“Wala pang nakakapagpaniwala sa akin na kaya kong i-surrender lahat at pagsisilbihan ko siya habam-buhay,” sey ni Angelica.
   
“Siguro, nasa stage ako ngayon na ako lang, ako lang muna. Pagsisilbihan ko muna ’yung sarili ko, mamahalin ko muna ’yung sarili ko.
   
“Kaya hindi ko pa siguro nakikita na idi-dedicate ko ’yung sarili ko. Hindi ko pa siya kayang ibigay nang buung-buo,” dagdag pa ng aktres.
   
Hindi rin daw niya masasabi what’s the right marrying age for her, pero ayaw daw niyang tumandang mag-isa.
   
“Ayoko naman tumandang mag-isa. Ang ideal lang sa akin ay hindi tumandang mag-isa. Magkaroon ako ng special someone, anak man ’yan o kung lalaki o best friend, kahit na sino. Basta ayoko lang tumandang mag-isa,” sey pa ng aktres.
   
Sa presscon ng The Unmarried Wife, napag-usapan din ang pagiging malapit na magkaibigan nina Angelica at Marian Rivera, asawa ng leading man niyang si Dingdong Dantes.
   
Natanong kasi si Angelica kung nagkaroon na ba sila ng bonding moment ni Marian at ’kaaliw ang sagot ng aktres.
   
“Echosera ’yun (Marian), eh. Sabi niya nu’ng first day ng shooting, ‘bakla, dadalaw ako,’ ganyan. Sasama daw niya ’yung anak (Baby Zia) niya. Sabi ko, ‘o, magluto ka na rin Mars.’ Sabi niya, ‘Oh, sure.’
   
“Ay, ’day, tapos na kami, wala, hindi ko nakita,” kwento ni Angelica.
   
Natatawa namang sabi ni Dingdong, “Buti pa siya, alam niya (na dadalaw si Marian). Ako, hindi ko alam.”
   
Sey ni Angelica, “Tinext ko nga (si Marian), sabi ko, ‘Ano na, ’teh? Palaka?’ Sabi naman niya, busy nga raw.”
   
Matalik na magkaibigan sina Marian at Angelica kahit magkaiba sila ng istasyon at say nga ng huli, nagkakasundo sila dahil pareho silang baliw.