5,700 guests

PBB House, binaha ng luha

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 793

NALALAPIT na ang paglabas sa Bahay ni Kuya ng PBB Lucky 7 Teens. Nakalulungkot dahil tiyak na mami-miss ng lahat ang itinuturing na pinakamahuhusay na housemates ever ni Kuya.

Hindi na kailangan pang alamin kung sino ang magiging big winner dahil deserving ang bawa’t isa kina Kisses, Maymay, Edward at lalo na si Yong. Napatunayan na nila ang pagmamahal sa isa’t isa at matutuwa sila sa sino mang mananalo.

Narito ang ilan sa mga pangyayaring hindi na malilimot pa ng televiewers, ganun din ng mga housemate.

Noong Linggo lang nasabi ni Vice Ganda na naiyak siya nang mapanood si Kisses Delavin sa Bahay ni Kuya na humahagulgol habang inaamin na for the first time in her young life (17) na nagkagusto siya sa isang binatilyo (si Marco).

“Kaya lang, na-broken hearted po ako dahil ang pinili niya ay hindi ako kundi si Vivoree. Napakasakit po, Kuya, pero, tiniis ko na lang, lalo na nang makita kong masaya sila,” aniya.
   
Naka-relate siyempre si Vice Ganda.
   
Bumaha naman ng luha sa Bahay ni Kuya mula sa kapwa housemates ni Yong nang lait-laitin siya ni Christian dahil hindi niya mai-express ang sarili habang nagpe-perform sa task na ibinigay ni Kuya.
   
Katwiran ni Yong: “Kapag kinakausap kita (Christian), ayaw mo akong sagutin at tinutulugan mo pa ako. Hindi ko na lang iniintindi. Ayaw mo rin akong pakinggan kapag sinasabi kong ligpitin mo ang kalat mo,” katwiran ni Yong sabay yuko at umiyak sa awa sa sarili.
   
For the first time, naringgan naman ni Edward Barber mula sa kanyang Mom at nakakatandang kapatid na proud sila sa kanya. All his life, he has never done anything that will make them proud of him. He was so timid, so shy and had no friends at all, when he was growing up in Germany. Pero, dito, in the house of Kuya, Edward did every task that Kuya gave him, no matter how hard it was. He promised that he will learn to speak in Tagalog. Ganun din ang pag-aaral sumayaw at kumanta para matuwa ang partner niyang si Maymay.
   
Magandang halimbawa sila sa mga batang katulad nila na pumasok sa Bahay ni Kuya na hilaw pa, pero, paglabas ay maituturing na ideal sons and daughters na.

YENG, LAGING SINUSORPRESA NI YAN

BUSIEST year ni Yeng Constantino ang taong ito, pero, gumagawa siya ng paraan na magkaroon sila ng pagkakataong maka-sarilinan ng mister niyang si Yan Asuncion.
   
“Alam niya that I love surprises at nasu-surprise talaga ako dahil it comes when I least expect it to happen,” sabi niya.
   
Just recently, pagod na pagod si Yeng sa trabaho nang biglang yayain siya ni Yan sa isang place kung saan kinantahan niya ang kanyang misis ng mga kinompose niyang kanta.
   
“Nakaka-relax ang ginawa niya dahil nandun lang ako at nakikinig sa kanya. Alam niya kung ano ang nakakapagpapaligaya sa akin,” kuwento niya.
   
“Nitong Pasko, aalis kami uli ni Yan, tulad ng nangyari last year. We make it a point na kaming dalawa lang. Naiintindihan naman kami ng parents namin. Hindi na kami nagpa-plano pa kong kailan namin gustong magkaroon ng anak. We leave it up to Him (sabay turo sa taas) kung kailan niya kami bibigyan.”