7,127 guests

Ayos ’yan, Comm. Faeldon!

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 221

Tingnan natin

PINAG-AARALAN na pala ang pagbabalik ng tinatawag na “fuel marking.”

Ito ay para masawata ang oil smuggling sa bansa.

“The fuel sector was recommending to put up a fuel marking system. I still have to sit down and discuss this with them,” sabi ni Bureau of Customs Commissioner Ni­canor Faeldon.

“When we have fuel marking, we can check which fuel is smuggled. If we do this, no smuggling can be done,” dagdag pa ni Faeldon.

Sa isang public hearing sa Senado, sinabi ni Faeldon na balak ng BoC na ipatupad ang fuel marking sa first quarter ng 2017.
   
Sinabi pa ni Faeldon na gagastos lamang ang mga pribadong kompanya ng 6-8 sentimos bawat litro.
   
Matatandaan na unang ipinatupad ni dating BoC chief Napoleon Morales ang nasabing sistema.
   
Ang accredited service provider para sa mandatory marking ng lahat ng inaangkat na diesel oil at gas noon ay ang SGS Philippines Inc.
   
Dapat nga talagang ibalik ang fuel marking kung gusto nating mabawasan man lang ang dami ng mga ipinupuslit na langis at gas sa bansa.
   
Mas malaki ang paki­nabang ng bansa kaysa gagastusin nito kapag ipinatupad ang fuel marking.
   
Ayos ’yan, Comm. Faeldon!

* * *
   
Limpak-limpak na pera, naging bato pa.
   
Ito ang nangyari nang muling ipinamalas ng mga taga-BoC na hin’di uubra sa kanila ang mga ismagler.
   
Noong nakaraang ling­go ay kinumpiska ng mga tauhan ni BoC chief  Faeldon ang mga puslit na bigas na nagkakaha­laga ng P20 milyon.
   
Ang bigas ay nakalagay sa labing-dalawang  40-footer container vans na naka-consign sa “RPR International Trading” na may opisina sa Sta. Cruz, Manila.
   
Ayon kay Faeldon, ang kontrabando ay galing sa Tsina. Ang kargamento ay idineklarang naglalaman ng leather products.
   
Agarang ipinag-utos ni Faeldon ang suspension ng accreditation bilang importador ng RPR International  Trading.
   
Balak ni Commissioner Faeldon na i-donate ang bigas sa Department of Social Welfare and Development para sa mga biktima ng kalamidad.
   
Sa kasalukuyan ay libu-libo pang mga biktima ng kalamidad ang nagsisiksikan sa mga evacuation center.
   
Kaysa mabulok ang mga nakumpiskang bigas, mas mabuti pang pakinabangan na ito ng mga biktima ng kalamidad.
   
Matatandaan na maraming nabubulok na relief goods ang ibinaon ng DSWD noong nakaraang administrasyon.

Nakalulungkot at nakapanghihinayang!

* * *
   
Panahon na para kasuhan  ng economic sa­botage  ang lahat ng mga sangkot sa agricultural smuggling.
   
Kung hindi ay baka tuluyan nang bumagsak ang agriculture industry.
   
Huwag nating kalimutan na mga magsasaka ang bumubuo ng bulk ng populasyon ng bansa.
   
Magugutom ang mga kapatid nating magsasaka kung hindi matitigil ang pagdagsa sa bansa ng mga puslit na agricultural product.
   
Paanong ’di babagsak ang presyo ng bigas, mais at gulay kung nandiyan naman ang mga puslit na paninda?
   
Lalangawin talaga sa merkado ang mga pro­dukto ng ating mga magsasaka.
   
Siyempre ang bibilhin ng tao ay ang mas murang puslit na bigas, mais at iba pang produktong agrikultura.
   
Hindi maibaba ng mga magsasaka ang kanilang presyo dahil malulugi sila.

Napakataas ang production cost sa bansa kum­para sa ibang bansa.
   
Sana mahuli na ang mga ismagler ng bigas, mais at iba pang agriculture products.
   
Dapat mabulok sa bilangguan ang mga ismagler.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(092­1)476543/email:vic­re­This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).