7,160 guests

Maaari bang palitan ang apelyido ng isang legitimate child?

  • Written by Atty. Persida Rueda-Acosta
  • Published in Opinion
  • Read: 145

Say mo Attorney?

Kgg. Chief Acosta,

Nais ko lamang malaman kung maaari ko bang palitan ng aking apelyido sa pagkadalaga ang apelyido ng aking anak sa kaniyang birth certificate bagama’t kasal kami ng kaniyang ama at itinuturing siyang isang legitimate child ng batas? Hindi niya itinatanggi ang kaniyang pagiging legitimate child ngunit nais naming ipabago ang kaniyang apel­yido dahil simula noong bata pa lamang siya ay iniwanan na kami ng kaniyang ama. Dahil dito, ang ginamit niyang apelyido sa lahat ng mga importante niyang dokumento ay ang aking apelyido sa pagkadalaga. Ano ang maaari naming gawin hinggil dito?

Gumagalang,

Sandy

Dear Sandy,

Ayon sa Artikulo 364 ng Civil Code of the Philippines, “[l]egitimate and legitimated children shall principally use the surname of the father.” Gayunpaman, ipinaliwanag ng Kagalang-galang na Korte Suprema sa kaso ng Alfon v. Republic (G.R. No. L-51201, May 29, 1980) na hindi nanga­ngahulugan na ang ma­aari lamang gamitin na apelyido ng isang legitimate child ay ang apel­yido ng kaniyang ama. Nakasaad sa nasabing kaso ang sumusunod:

“The only reason why the lower court denied the petitioner’s prayer to change her surname is that as legitimate child of Filomeno Duterte and Estrella Alfon she should principally use the surname of her father invoking Art. 364 of the Civil Code. But the word “principally” as used in the codal provision is not equivalent to “exclusively” so that there is no legal obstacle if a legitimate or legitimated child should choose to use the surname of its mother to which it is equally entitled. Moreover, this Court in Haw Liong vs. Republic, G.R. No. L-21194. April 29, 1966, 16 SCRA 677, 679, said:
   
The following may be considered, among others, as proper or reasonable causes that may warrant the grant of a petitioner for change of name;
 
(1) when the name is ridiculous, tainted with dishonor, or is extremely difficult to write or pronounce;
 
(2) when the request for change is a consequence of a change of’ status, such as when a natural child is acknowledged or legitimated; and
   
(3) when the change is necessary to avoid confusion (Tolentino, Civil Code of the Philippines, 1953 ed., Vol. 1, p. 660).
   
In the case at bar, it has been shown that petitioner has, since childhood, borne the name Estrella S. Alfon although her birth records and baptismal certificate show otherwise; she was enrolled in the schools from the grades up to college under the name Estrella S. Alfon; all her friends call her by this name; she finished her course in Nursing in college and was graduated and given a diploma under this name; and she exercised the right of suffrage likewise under this name. There is therefore ample justification to grant fully her petition which is not whimsical but on the contrary is based on a solid and reasonable ground, i.e. to avoid confusion.” (Binigyang-diin)
   
Samakatuwid, kung mayroong sapat na dahilan upang palitan ang apelyido ng inyong anak, maaari niya itong mapabago sa pamamagitan ng paghahain ng Petition for Change of Name sa Regional Trial Court ng lugar kung saan siya naninirahan at namalagi sa loob ng tatlong  taon bago isampa ang petis­yon (Sec. 2, Rule 103, 1997 Rules of Court).
   
Nawa ay nasagot na­min ang inyong katanu­ngan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong ka­ragdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sa­sangguni sa isang abogado.
   
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.
   
Ang inyong lingkod bayan,
   
DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
   
Punong Manananggol Pambayan

Paunawa:
   
Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa PAO hotline: 929-9436 local 106 o 107 during office hours at local 159 after office hours.
   
Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury. Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.