8,794 guests

Inatake!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 687

Mom ni Jennylyn, pumanaw na

Kahapon (Oct. 29) ang isa sa pinakamalulungkot na araw para sa Ultimate Star na si Jennylyn Mercado dahil ang kanyang inang si Lydia Mercado ay pumanaw na sa edad na 74.

Oct. 10 nang ma-confine si Mommy Lydia sa hospital dahil sa halu-halong sakit na nararam-daman. After two weeks ay ipinasok na ito sa ICU ng St. Lukes dahil biglang inatake sa puso at nagkaroon na ng kumplikasyon dahil sa sakit niyang sepsis at pneumonia.
   
Kahit may problemang dinadala, nanatiling nagpakatatag si Jen these last few weeks. Hindi mo mahahalatang may iniinda siya. Tuloy pa rin ang trabaho niya at nakadalo pa rin sa PMPC 30th Star Awards for Television na ginanap last Sunday, Oct. 23, kung saan ay nanalo siyang Best Actress para sa My Faithful Husband.
   
Ang pagkakapanalo ni Jen ay napakalaking bagay para kahit paano ay maibsan ang bigat na kanyang dinadala. It was a breath of fresh air para sa aktres, so to speak lalo pa nga’t first acting award niya ito sa Star Awards.
   
Inalay niya ang kanyang Best Actress trophy kay Mommy Lydia na noo’y nasa hospital at sa kanyang anak na si Alex Jazz.
   
Pero kahapon at 7:52 a.m., tuluyan nang pumikit ang mata ni Mommy Lydia at iniwan na ang kanyang pinakamamahal na anak at apo.
   
We learned from Jen’s manager, Becky Aguila na iyak nang iyak ang aktres pero tanggap na raw nito ang pagkawala ng ina. She knew that she had to be strong for her son.
   
Mommy Lydia may not be Jen’s biological mom pero siya ang nagpakahirap na magpalaki at mag-aruga sa aktres simula nang maliit pa ito -- sila ng asawa nitong si Daddy Roger Mercado na matatatandaang pumanaw na years back.
   
At maging si Jen, si Mommy Lydia and Daddy Roger na talaga ang itinuring niyang mga magulang.  Kahit noong time na natagpuan na niya ang kanyang biological parents na sina Noli and Jinkee Pineda, hindi niya iniwan ang magulang na naghirap sa kanya at ipinaglaban siya mula noong siya’y bata pa.
   
Mahal na mahal ni Jen si Mommy Lydia kaya alam naming isang napakalaking dagok para sa kanya ang pagkawala nito.
   
Mula sa aming dito sa Journal Group of Publication, ang taos-puso naming pakikiramay kay Jennylyn at sa kanyang pamilya. Rest it peace, Mommy Lydia.

* * *

Kung si Derek Ramsay ay isinama ang girlfriend na si Joanne Villablanca sa premiere night ng The Escort last Thursday, ang leading lady naman niyang si Lovi Poe ay hindi naisama ang rumored foreigner boyfriend na si Chris Johnson since wala ito sa bansa at papunta-punta lang ng Pinas.
   
Ayon kay Lovi, hindi raw niya alam kung maaabutan pa ni Chris ang showing ng movie na magsisimula na sa Nov. 2.
   
Hindi ba magseselos si Chris sa mga love scenes niya with Derek and Christopher de Leon?
   
“Well, first of all, we’re not yet in a relationship, we’re still dating,” sagot niya.
   
Pero may mutual understanding na ba?
   
“I guess so. Parang pwede, pwede nang tawagin na ganu’n,” she said.
   
When asked kung hindi ba siya nailang na kasama ni Derek na nanood ang girlfriend nito, say niya, “no, kaibigan ko si Joanne, she’s my friend, schoolmates kami nu’ng high school.”
   
Sa sizzling lovemaking scene nila ni Derek kung saan ay pareho silang naked, kitang-kita kung paano siya prinotektahan ng aktor para hindi makita ang kanyang private parts and for this, very thankful talaga si Lovi.
   
“Very maalaga si Derek which is a good thing, and we made it sure na full of love ’yung love scenes namin. That’s why it’s very different from the love scene of Miss Jean and Derek. So, we had to show nga ’yung difference ng nagmamahalan to something that’s sexual,” sey ng aktres.