5,934 guests

KathNiel, hiwalay muna

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 847

Lani, ’di na mapapanood sa TV

SAYANG at dahil sa kanyang kasalukuyang maha-lagang tungkulin bilang Mayor ng Bacoor City, ’di na natin mapapanood si Lani Mercado-Revilla, wife, of course of former Senator Bong Revilla, sa mga show ng GMA.
   
Happily for Mayor Lani, in less than a year na pinamahalaan niya ang syudad ng Bacoor, na-impress sa kanya ang pamu-nuan ng Department of Interior and Local Government (DILG), so much so, in a grand ceremony held at the Sofitel of the Philippine Plaza last October 27, she was awarded the Seal of Good Local Governance (SGLC).
   
Mayor Lani received the award from no less than DILG Secretary Isamel D. Sueno during the SGLG National Conference. She was cited for her remarkable performance and commitment as a city government official, na ang dapat maging pamantayan ay ang ‘mahusay at tapat na pamamalakad’ ng bayang kanyang pinamu-munuan.
   
Actually, according to Mayor Lani, it is the second time na the DILG awarded the Bacoor city government with such honor. The same SGLG award was also given to former Bacoor Mayor Strike Revilla, now congressman.
   
Congressman Strike has been mayor ng Bacoor City for three terms.

* * *

Matindi raw ang paniniwala nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kahit pa, halimbawang, magkaroon sila ng projects na hindi magkasama, mananatili pa rin silang close sa isa’t isa.
   
Iba daw kasi ang closeness na namamagitan sa kanila, bagama’t ayaw din nilang aminin na more than friends na sila.
   
Well, marami kasi ang naniniwalang after their highly- acclaimed and blockbuster movie Barcelona: A Love Untold, magkakanya-kanya na muna sila.
   
Kunsabagay, ’di pa tiyak kung ang magiging next project nila, individually na, ha, ay pelikula pa rin o isang TV series.
   
Their last soap together was Pangako Sa ’Yo.

* * *

Inamin ni Sylvia Sanchez na sa kanyang age, na ayaw niyang ibulgar kung 50 something, nagiging makakalimutin na siya.
   
One time nga daw, habang kaharap ang anak na si Ria na nag-aartista na rin, inutusan niya ito to get something for her.
   
Pero napansin daw niyang parang ’di ito natinag sa pagbabasa ng kung anumang hawak nito.
   
Kaya nagalit daw siya at sinigawan niya ang anak.

Na ikinagulat daw nito.
   
Iyon pala, samantalang ito ang kanyang inuutusan, tinawag niya ito sa ibang pangalan. Pangalan din ng isa niyang anak. Na nagka-taong katabi rin niya.
   
For those of you na ’di pa nakakapanood ng series ni Sylvia on ABS-CBN, The Greatest Love, she plays mom to four kids na sa kanyang batang edad ay afflicted na with Alzhei-mer’s disease, which, according to medical experts, is a common form of dementia of unknown cause, na nagsisi-mula sa middle age ng isang tao.
     
Ilan daw sa characterization ng sakit na ito ay ang progressive memory loss. O, mental deterioration associated with brain damage.