5,066 guests

Jennylyn, nawalan ng defender

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 583

NAGBUNGA ng regular na show ang ginawang pagpapaseksi ni Ryza Cenon sa indie movie niyang Ang Manananggal sa Unit 23B.  Isa ang Kapuso actress sa lead stars ng bagong afternoon soap ng GMA kung saan makakasama niya sina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon.

Bongga rin si Sunshine dahil may Encantadia na siya sa primetime, may bago pa siyang show sa hapon.  The project comes next after Shine won the Best Supporting Actress award sa katatapos na Star Awards for Television.

Kahit problemado sa married life, todo ang suporta ng kanyang home network si Sunshine. Malaking tulong ito sa kailangan niyang datung para sa kasong isinampa laban sa asawa at sa umano’y karelasyon nito.

* * *

INIALAY pa ni Jennylyn Mercado ang tinanggap na Best Actress award niya sa inang si Lydia Mercado sa acceptance speech ng Ultimate Star. ’Yun na pala ang huli niyang mensahe para sa ina.
   
Namatay kahapon si Mommy Lydia. Nawala na ang gabay at defender ni Jen mula nang pasukin niya ang pag-aartista.
   
Ang mommy rin ni Jen ang siyang nag-aasikaso sa anak niyang si Jazz kapag may trabaho. Hindi na nga lang namin masyadong nakikita si Mommy Lydia kapag may taping siya ng Superstar Duets.
   
Masakit pero kailangang tanggapin ng Ultimate Star na wala nang Mommy Lydia sa tabi niya. Alam din kasi sa showbiz kung gaano niya kamahal ang ina.
   
Siyempre, unang-una si Dennis Trillo sa dumamy sa pagdadalamhati ni Jen.

* * *

NEXT Sunday, November 6 (Nov. 5 p.m. sa States), ang pagbabalik sa boxing ring ni Manny Pacquaio pero bilang senador na.
   
’Yun nga lang, muk-hang kulang sa excitement ang laban kay Vargas ng Pambansang Kamao, huh!
   
Habang nagpapagupit kami sa aming barbero, isang matandang customer na lalaki ang tina-nong kung kukuha siya ng Pay Per View (PPV) sa laban ni Manny.
   
Tugon niya, “Namamahalan na ako! Eh, di punta na lang ako sa mga restaurant na may Pay Per View. Mura na, meron ka pang almusal at marami ka pang kasamang manonood. Hindi na kasi gaya ng dati ng laban ni Pacquiao ngayon!”
   
Sa sinabing retirement fight ni Manny laban kay Cotto noon, nadalian kaming mag-subscribe sa  PPV unlike nu’ng laban niya sa mayabang na boksingero. Kahit the night before the fight, agad-agad kang kakabitan, huh!
   
So malaking challenge kay Sen. Manny kung paanong maibabalik ang sigla ng tao sa laban niya!