7,179 guests

Pelikula ni Direk Chris, tribute sa mga beki!

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 253

Aminado ang award-winning director na si Chris Martinez na napakalaking challenge para sa kanya kung paano kukumbinsihin ang straight guys na panoorin ang latest film niyang Working Beks na prinodyus ng Viva Films at pinagbibidahan nina John Lapus, Joey Paras, Prince Stefan, TJ Trinidad at Edgar Allan Guzman.

“Challenge talaga kung paano mo mahimok ’yung straight guys na manood nitong pelikula. Pero ang feeling ko naman, ’yung mga straight umiikot din naman sila sa mundo ng mga beki. Ang mga straight may mga beki friends, beki bosses, beki subordinates, beki parents, beki boyfriends. So, sana mahimuk natin yung mga straight to support and watch,” bulalas niya.
   
Sa tingin ba niya, bakit mahirap i-convince ang straight guys to watch gay-themed movie?
   
“Siguro, kasi ’pag papasok sila ng sinehan baka nahihiya sila kasi baka sabihin beki sila. Pero alam naman natin na hindi lahat ng nanonood na beki movie ay gays. Meron din namang straight,” sagot niya.
   
Iba raw ang pelikula niya kumpara sa dalawang naunang ipinalabas na beki movie na  at Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfrien?!
   
“’Yung mga nauna, parang romcom sila, eh. Working Beks is not like that, meron din siyang romance, meron din siyang love story, meron din siyang kilig, but hindi siya ’yung pinaka-point ng kuwento.
   
“Ang pinaka-point nu’ng limang kuwento nila dito is actually gay empowerment, respect and  love. Sa movie ko, lumalaban po ang mga bakla dito, hindi po sila nagpapaapi,” diin pa niya.
   
“This is my tribute to the gays. I’ve been writing since 2004, so how many years na ’yon, 12 years na, I’ve been directing for 8 years, I think sa mga pelikula naman na sinulat ko makikita na parang meron siyang mga characters na gay or gay sensibility, pero wala pa talaga akong pelikula na para or tungkol sa gays.
   
“Parang feeling ko, hindi naman ako puwedeng hindi gumawa kasi gusto ko talagang gumawa ng ganito. Dream project po siya talaga,” pagtatapos ni Direk Chris.