5,831 guests

KC, pinili si Sharon kaysa Star Magic Ball

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 823
KC Concepcion KC Concepcion

MARAMI ang nagtaka kung bakit hindi dumalo si KC Concepcion sa ika-sampung taon ng Star Magic Ball na ginanap sa ballroom ng Shangri-La Hotel (Makati) noong nakaraang Sabado, October 22.  Ang buong akala pa naman ng marami ay irarampa na niya roon (Star Magic Ball) ang kanyang boyfriend na si Aly Borromeo pero hindi ito nangyari.

Gustuhin man ni KC na dumalo sa annual event ng Star Magic, hindi niya ito nagawa dahil naroon siya sa concert ng kanyang mommy  (Sharon Cuneta) saThe Theater ng Solaire Hotel kung saan niya kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Aly.  Ito rin ang okasyon na personal na nagkakilala ang mommy ni KC na si Sharon at half-sister niyang si Garie Concepcion, anak ng ex-husband niyang si Gabby Concepcion kay Grace Ibuna na si KC rin mismo ang naging tulay.

Kung matatandaan pa, si KC rin ang naging `tulay’ para muling magkaayos ang kanilang amang si Gabby Concepcion at isa pa nitong anak na si Cloie Syquia Skarne, anak ni Gabby sa second ex-wife niyang si Jenny Syquia.

Si Cloie ay kasalukuyang nasa bansa bilang kinatawan ng  Sweden sa Miss Earth 2016 sa Pilipinas at sobra ang suporta sa kanya ng kanyang half--sisters na sina KC at Garie.

Being the eldest, si KC ang tumatayong big sister sa kanyang half-siblings both sa kanyang father at mother side.

EULA AT ROCKY, NAG-AWAY, NAGBATI

MATAGAL-tagal na rin ang relasyon ng 47-year-old actress na si Eula Valdez sa kanyang long-time  boyfriend, ang model-turned actor na si Rocky Salumbides na tumagal na ng walong taon.
   
Kung tutuusin, kasal at anak na lamang ang kulang sa pagsasama nina Eula at Rocky.
   
In a recent interview with Eula, inamin nito na may pinagdaanan ang relasyon nila ni Rocky at nagkahiwalay umano sila ng kanyang nobyo sa loob ng isang buwan pero si Eula ang gumawa ng paraan para maayos ang problema.  Hindi man nagbigay ng detalye si Eula kung ano ang dahilan ng break-up ang mahalaga raw ay nagkabalikan silang muli.
   
Kahit ang dalawang anak ni Eula na sina Miguel at Juliana na  close kay Rocky ay siyang nagpa-yok sa kanilang mommy na ayusin nila ni Rocky ang kanilang gusot.
   
Hindi rin ikinakaila ni Eula na mahal na mahal niya ang kanyang nobyo gayundin naman ito sa kanya.

FANS NINA KIM AT GERALD, NAGBUBUNYI

TIYAK na nagbubunyi ngayon ang mga tagahanga ng tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson dahil pagkaraan ng anim na taon ay muli silang pinagtambal ng ABS-CBN sa isang bagong teleserye na pinamatagang “Ikaw Lang ang Iibigin” na pinamamahalaan ni Dan Villegas.  Bukod kina Kim at Gerald, kasama rin nila sa bagong teleserye ng Dos sina Jake Cuenca at Coleen Garcia, Helen Gamboa-Sotto, Ayen Munji-Laurel, Bing Loyzaga at iba pa.
   
Ang Kimerald ay huling napanood sa isang serye in 2010 sa pamamagitan ng “Kung Tayo’y Magkakalayo” at last movie together din nila in 2010 ang “Till My Heartaches Ends”.
   
Anim na taon din ang hinintay ng kanilang mga fans bago ang muli nilang pagtatambal sa isang serye.
   
Sa loob ng anim na taon after their separation in 2010 bilang magkasintahan ay marami na ang nangyari at nagbago at kasama na rito ang pagkakaroon ng bagong karelasyon ni Kim sa katauhan ng kanyang ka-loveteam after Gerald na si Xian Lim habang si Gerald naman ay sandaling naging kasintahan si Bea Alonzo na muli niyang nakabalikan recently after their team-up sa sa pelikulang “How To Be Yours” na dinirek ni Dan Villegas for Star Cinema.  Naging item din sina Gerald at Pop Princess na si Sarah Geronimo pero hindi ito nag-prosper hanggang maging kasintahan ni Gerald si Maja Salvador  pero nauwi rin ito sa hiwalayan.
   
It seems na parehong nakapag-move on na sina Kim at Gerald at pareho silang masaya sa kanilang personal na buhay ngayon at nanatiling magkaibigan ang dalawa lalupa’t nasa iisang kuwadra sila, ang Star Magic ng ABS-CBN.
   
Samantala, gaano kaya katotoo ang balitang narakating sa amin na ang bagong TV series nina Kim at Gerald ay originally para kina Gerald at Yeng Santos at nakapag-taping na umano ang dalawa?  Pero nagdesisyon umano ang management na gawin itong reunion project nina Kim at Gerald na siya namang nangyari.
   
Bukod sa mga fans nina Kim at Gerald, natutuwa rin sa balik-tambalan nina Kim at Gerald ang rumored sweetheart ngayon ng actor na si Bea Alonzo at maging ang ex-GF niyang si Maja Salvador na dating best friend ni Kim.

GLADYS AT CHRISTOPHER, NAGKAKAROON NG ARGUMENT

TWELVE years nang mag-asawa sina Christopher Roxas at Gladys Reyes at meron na silang tatlong anak (na malapit nang maging apat) na sina Grant-Carlin,Gianna Aquisha at Gian Christopher at marami ang hanga sa pagsasama ng dalawa dahil sila pa rin hanggang ngayon.
       
Just like other couples, nagkakaroon din ng argument ang mag-asawa pero hindi umano nila tinatapos ang araw nang hindi sila muling nagkakasundo.
   
Inspirasyon ng mag-asawa ang kanilang mga anak.

GWEN, NASA ABS-CBN NA

SI Gwen Zamora ang pinakabagong talent na nagmula sa Kapuso Network na nasa bakuran ngayon ng ABS-CBN dahil may bago itong teleseryeng ginagawa na siya ring rason kung bakit naurong to a later date in January or February 2017ang kanilang December 10, 2016 wedding ng kanyang fiancé na si Jeremy Marquez, anak na binata ng actor-comedian at dating politician na si Joey Marquez.
   
May balita ring nasa bakuran na rin ng ABS-CBN si Sam Pinto na matagal ding naging Kapuso.

SOFIA, NAG-RECORD NA NG ALBUM

NATUPAD na rin sa wakas ang matagal na pinapangarap ng 17-year-old daughter ng actress-turned politician na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzalez-Romualdez at former mayor ng Tacloban na si Alfred Romualdez na si Sofia Gonzalez Romualdez, ang maka-pag-record ng sarili niyang album.
   
Sofia was recently signed-up to an exclusive co-management contract with Viva Entertainment at sa napakailing panahon ay agad siya pinahanapan ni Boss Vic del Rosario ng original song na akma sa maganda niyang boses.
   
Last Friday, October 21, Sofia recorded her debut song na pinama-gatang“Pikit-Mata” na sariling komposisyon ng young composer na si Nica del Rosario.  She will also record her own composition na pinamagatang “Love Hurts”.
   
Bukod sa pagkanta at pagku-compose, Sofia plays the piano and guitar. She also arranges her own compositions.
   
Sofia will be using Sofia Gonzalez as her screen name at may basbas naman umano ang kanyang ama, ang dating Tacloban mayor na si Alfred Romualdez.
   
“Mas showbiz kasi ang dating ng Gonzalez kasi ang Romualdez mas affiliated sa politics,” pahayag ng teen singer na si Sofia.