8,281 guests

Rhian, magbabakasyon muna

Rhian Ramos Rhian Ramos

MABIGAT ang role ni Rhian Ramos bilang si Clara sa papatapos na Sinungaling Mong Puso  sa GMA7 afternoon primetime. Nasabi ng actress  na  isa ito sa most challenging roles niya, bukod sa Stairway to Heaven na kung saan grabeng drama rin ang kanyang ginawa

Ani Rhian: “ Pagkatapos ng Sinungaling Mong Puso, pahinga muna ako dahil gusto kong mag-’detox’ ng character ko. Alam mo minsan sa  kuwarto ko ay iyak ako nang iyak, hanggang sa bahay ay nadadala ko ang character kong si Clara. Pakiramdam ko minsan, ako si Clara at hindi si Rhian.  Kaya magbabakasyon muna ako bago tumanggap ng ganito katinding character muli. “

Ayon pa kay  Rhian,  para lang mabago ang pagkatao niya pagkatapos ng taping, kinakailangan pa niyang magkaroon ng outlet  ng lahat ng galit ng character na ginagampanan niya. Isa na rito ay ang pagiging participant sa Minica Driving Race sa  Subic.

Pagkatapos ng race, para raw super relaxed siya at may bagong energy para sa  mahihirap na dramatic scenes. Meanwhile,  GMA Network’s TV adaptation of the 1992 blockbuster movie, Sinungaling Mong Puso is now on its final week.

Mr. World 1st runner up, Fernando Alvarez,  nabighani sa Pilipinas

SOBRANG humanga ang Mr. World 2016 first runner up na si Fernando Alvarez sa tatlong Miss  Earth  2016 candidates na sina Miss Bolivia, Miss Brazil at Miss Argentina na meet niya nang magkaroong ng meet and greet ang first batch ng Miss Earth para kay Psalmstre president Jaime Acosta.  Dumating sa okasyon ang mga piling fashion and entertainment  press  para kilatisin ang mga contestant. Ginawa ang affair sa Club Houde ng Palladium Subdivision sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.    
   
Samantala, narito  sa Pilipinas ngayon ang Puerto Rican na si Fernando na sobrang  na-in love sa Pilipinas. Ang dahilan, mas malaki ang value ng perang kikitain niya rito kaysa sa kanilang bansa.  Kaagad siyang naging in demand bilang product endorser.Tulad ngayon, siya ang napili ng Psalmstre president para maging product ambassador ng New Placenta for Men. Papapasukin na rin niya ang local showbiz. Kabi-kabilang audition ang kanyang ginagawa ngayon sa mga TV network sa bansa.
   
Bukod sa matipuno at guwapo si Fernando, magaling magsalita ang 22-year old model, kaya bagay na bagay siyang mag-host.  Sa ngayon ay may regular lesson siya sa Filipino language.  Marami na siyang nalalamang salita at pilit na siyang nagta-Tagalog sa conversation sa kanya.
   
Sinumang kababaihan na makakita sa kanya ay napapalingon. Mahilig siyang mag-jogging along Shaw Blvd bago pumunta sa kanyang  paboritong gym.