4,934 guests

Lovi, great kisser -- Derek

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 458

Ang love scenes nina Derek Ramsay at Lovi Poe ang isa sa highlights ng pelikulang The Escort dahil ayon mismo sa aktor, isa ito sa pinakamatagal niyang love scenes.

“Usually, when we do a love scene, one minute lang ’yan, pero dito, four minutes yata,” ani Derek sa solo presscon niya kahapon.

Pinatotohanan naman ito ng producer na si Mother Lily Monteverde.
   
“Talagang ang love scenes nila, ang haba-haba. Because the movie is so beautiful,” sey ni Mother.
   
Nang matanong si Derek kung paano niya iri-rate si Lovi as a kisser in a scale of one-10, lampas pa sa 10 ang ibinigay ng aktor.
   
“She’s a 12 and it was effortless. Kasi para sa akin, there are good kissers and bad kissers but to be a great kisser, both of you have to be good kissers and when that happens, parang sumasayaw kayo, alam n’yo ang timing.
   
“With her, there was no off beat when we’re kissing. Talagang every movement was parang prinaktis. And it was just one take,” say ni Derek.
   
Showing na ngayong Nov. 2 ang The Escort mula sa direksyon ni Enzo Williams. Kasama rin sa lead stars ng movie si Christopher de Leon.

* * *

lesbian ang role ni Jasmine Curtis-Smith sa pelikulang Baka Bukas, entry sa Cinema One Originals Festival, Narrative Feature Category at ayon sa young actress, hindi siya nag-hesitate na gawin ang movie kahit first time niyang gaganap sa nasabing mapanghamong papel.
   
“Because majority of my friends are all working on improving how people accept our view, the LGBT community, and the most natural for us through articles, through illustrations, through films. So, this is one step further for us to accept in a different light kasi athough this community is mostly recognized by the gays, what about lesbians?
   
“Siyempre, naging talk din for a while ang pagiging transgender but for some reason, when it comes to lesbian, there’s so much taboo na people are not comfortable with it.
   
“So, bakit ganu’n? We need to make people more comfortable, make it more normal. As it is, normal naman, ’di ba? So, I never hesitated,” sabi ni Jasmine sa presscon kahapon ng C1 Originals Festival.
   
Kumusta naman ang first time niyang pakikipagtrabaho kay Louise delos Reyes,  love interest ng kanyang karakter?
   
“It was really a great experience kasi not only is this my first time doing it, pero everyone on the set kasi, sinigurado -- our DOP, our PD, people who were there, people who were directly involved with the actor or who talked to the actors, lahat sila are also part of the LGBT community, so, we really stuck to what we wanted to deliver for the film,” simula ni Jasmine.
   
Kahit magkaiba raw sila ng home network ni Louise, wala raw naging problema sa kanila.
   
“Wala namang kinalaman siguro kung taga-saang network ka, ’di ba? So, it was normal. It was just, I was getting to know new actors and nakatsika ko siya nang bongga. We got along well. She’s a very easy person to talk to.”
   
Asked kung may love scene sila ni Louise, panoorin na lang daw, pero siyempre, hindi raw pwedeng mawala sa isang movie ang love scenes.
   
“Oo naman, wala namang point kung wala,” sey niya.
   
Magsisimula na sa Nov. 14 at tatakbo hanggang Nov. 22 ang C1 Originals Festival na magtatampok ng ibat ibang pelikula sa narrative category at tatlong dokumentaryo.
   
Gaganapin ang screenings sa Trinoma, Glorietta, Gateway, Greenhills at Cinematheque.