4,987 guests

Sweet

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 0

Anak ni Sunshine kay Cesar, ‘tito’ ang tawag sa rumored BF ng aktres

Lampungan kina Derek at Boyet, ’di maipapanood ni Lovi sa ina

Ang sweet ni Macky Mathay at laging may sweet message kay Sunshine Cruz, gaya na lang nang ibalita ni Sunshine na guest siya sa Dear Uge ni Eugene Domingo. 

Nag-post ng message si Macky ng “@sunshinecruz718 Don’t forget to eat on time and please take care of yourself.”

Nang ibalita ni Sunshine na pumirma ng recording contract sa Universal Records ang anak niyang si Angelina Isabele, nag-message si Macky ng “Congratulations @angelinaisabele and I am looking forward to hearing your first single! Proud of you @sunshinecruz178 because you brought up three girls, all beautiful, inside and out.”
   
Sumagot si Sunshine ng “@mackymathay thank you!” at nag-comment din si Angelina ng “@mackymathay Thank you tito Macky!”

* * *

Dalawa ang poster ng The Escort at mas nagustuhan ng fans ang poster number two na half body lang nina Derek Ramsay at Lovi Poe ang nakikita.
   
Mas sexy sa kanila na parang maghahalikan ang dalawa, pero mas mukhang hahalikan ni Derek ang kili-kili ni Lovi.
 
Sa November 2 pa ang showing ng Regal Films movie na binigyan ng R-13 classification ng MTRCB kaya naman tuwang-tuwa ang producers na sina Mother Lily at Roselle Monteverde.
   
Pero maa-advance ang premiere night at kung ’di mababago ang schedule, bukas, Oct. 27, ang premiere night dahil aalis si Derek for a long vacation.
   
Sa Nov. 9 na ang balik niya and by that time, showing na ang pelikula.
   
Masipag mag-promote ng The Escort sina Derek at Lovi, sunud-sunod ang mall shows nila. Parehong busy ang dalawa, pero laging game ’pag mall show.
   
Lalo na si Lovi na three times a week ang taping ng Someone to Watch Over Me, puyat at pagod sa madadramang eksena ng family drama, pero pagdating sa promo schedule, dumarating at walang reklamong ginagawa ang trabaho.
   
Nabanggit pala ni Lovi na nahihiya siyang ipapanood sa mom niya ang The Escort, hindi dahil pangit ang pelikula, kundi dahil sa sexy scenes niya kina Derek at Christopher de Leon.
   
Ito na ang pinaka-sexy at pinaka-daring niyang pelikula, pero maiintindihan naman siguro ng mom niya na trabaho lang ang ginagawa niya.
   
Anyway, may binanggit si Lovi sa Instagram (IG) na “I Am Lovi” at “Coming Soon.” Wala siyang clue, kaya lalong naintriga ang followers niya. 
     
May kinalaman kaya ito sa pictorial nila ni Tom Rodriguez sa Cuba na kanilang gagawin after ng taping nila ng Someone to Watch Over Me?

* * *

Magaganda at cute ang bisita ni Dingdong Dantes sa taping niya ng Alyas Robin Hood dahil dinalaw siya ng kanyang mag-inang sina Marian Rivera at Zia.  Ang ganda ng mga litrato ng mag-anak at sa picture na karga ni Dingdong si Zia, kitang-kita ang tuwa nito at pati mga mata parang ngumingiti.
     
Bale ba ang cute-cute ni Zia nang dumalaw kay Dingdong dahil naka-pink off shoulder dress.
     
Sabi ng DongYan fans, baby pa lang, stylish na si Zia. Siguradong hindi ’yun ang magiging last na pagbisita ni Zia sa Papa niya.
     
Anyway, nagpapasalamat ang buong team ng Alyas Robin Hood dahil na-maintain ang interes ng tao sa story pati ang ratings.
   
Kaya naman mas ginaganahan si Dingdong mag-taping. May request lang ang viewers na dagdagan ang eksenang pumapana si Dingdong dahil gustung-gusto ng mga bata.

* * *

Nakakatuwa kung mapapanindigan ng GMA-7 na puro foreigners ang makakapareha ni Barbie Forteza sa bago niyang teleserye sa network.
   
Mas maganda kung hanggang sa ending ay foreigner ang leading man ni Barbie at hindi lang sa simula ng story para maiba naman.