6,302 guests

Janine, wala raw third party sa hiwalayan nila ni Elmo

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 717
Elmo Magalona & Janine Gutierrez Elmo Magalona & Janine Gutierrez

JUST when everybody is excited sa sunud-sunod na kasalan sa showbiz, malungkot na balita naman ang sumambulat dahil sa magkasunod na break-up nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona at ang engaged couple na sina Denise Laurel at Ginebra San Miguel forward player na si Sol Mercado.

Tumagal ang relasyon nina Janine at Elmo nang mahigit dalawang taon. Nagsimula ang kanilang special friendship sa set ng ginawa nilang teleserye sa GMA, ang  TV remake ng “Villa Quintana” at muling nagkasama ang dalawa sa isa pang teleserye ng Kapuso Network, ang “More Than Words”.  Umamin ang dalawa sa kanilang relasyon in 2014.

Noong isang taon, lumipat ng Kapamilya Network si Elmo at naiwan sa Kapuso Network si Janine.

Although hindi pa nagsasalita si Elmo tungkol sa break-up nila ni Janine, kinumpirma na ng huli sa pamamagitan ng exclusive interview sa kanya ni Nelson Canlas sa “24 Oras”.

Walang third party na tinuran si Janine sa kanilang break-up kundi sa kawalan nila ng oras sa isa’t isa.  Mutual decision umano nila ang kanilang paghihiwalay.

BREAKUP NINA DENISE AT SOL, SHOCKING

SA parte naman ng engaged couple na sina Denise Laurel at Sol Mercado, na-shock din ang kanilang respective families and friends sa paghihiwalay ng dalawa  lalupa’t plano na nilang magpakasal sa taong ito. The couple got engaged in 2013 at binigyan ni Sol si Denise ng isang two-carat diamond ring.
   
Marami rin ang natuwa sa relasyon ng dalawa dahil very close din si Sol sa five-year-old son ni Denise (sa isang Italian-American guy) na si Alejandro.  Animo’y tunay na mag-ama ang turingan ng dalawa.
   
Pero kung kelan inakala ng marami na matutuloy na this year ang kasal nila ni Sol ay saka naman nag-post sa kanyang Twitter account si Denise na wala na sila. Itinaon pa niya ito sa araw ng championship game sa PBA kung saan naging champion ang team na kinabibilangan ni Sol, ang Ginebra San Miguel.  Marami tuloy ang nag-react sa pagiging insensitive umano ni Denise na hindi man lamang daw ito nakapaghintay ng ibang araw bago i-tweet ang kanilang paghihiwalay ng PBA popular cager na si Sol.

JAKE, UMAMING HIWALAY NARIN SA AMERICAN GF  

ANG isa pang hiwalay na rin sa kanyang kasintahan ay ang award-winning Kapamilya actor at lead actor ng indie movie na “Mulat”  na si Jake Cuenca.
   
Inamin ni Jake na hiwalay na naman sila (for the second time) ng kanyang nakabalikan na American model girlfriend na si Sara Grace Kelly at ang huli umano ang nagkipag-break sa actor.
   
Ang distance ang isa sa mga itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Jake at girlfriend niya.
   
Ayon na rin kay Jake, sinubukan umano nilang ayusin ang kanilang relasyon pero hindi umano ito nag-work out kaya tuluyan na nila itong winakasan. Tumagal lamang ito ng tatlong buwan after their reconciliation.

SEN. LOREN, MAY BAGONG PROGRAMA

WE have to commend Sen. Loren Legarda, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ang ANC (ABS-CBN News Channel) sa kanilang adhikain na mapalawak laluna sa mga kabataan ngayon ang pagpapahalaga  at pagpapalaganap ng ating kultura, tradisyon  at heritage na tila kinakalimutan at hindi na pinapapahalagahan ng mas nakararaming kabataan.  Ito’y sa pamamagitan ng six-part, 30-minute weekly documentary series, ang “Dayaw” na nagpu-focus  sa pagpi-preserve ng ating kultura at heritage.  Bawat episode ng “Dayaw” ay nagpapakita ng likas-yaman ng Pilipinas, ang mga paniniwala’t tradisyon at kultura, mga pagkain  at iba pang mga Filipino mula sa iba’t ibang grupo at lugar.
   
Ang Pilipinas na binubuo ng mahigit 7,000 islands ay may 131 iba’t ibang dialect.
   
Ang “Dayaw”  hosted by Sen. Loren Legarda na staunch advocate ng arts and  Philippine indigenous culture ay magsisimulang mapanood sa ANC Channel simula sa darating na November 3, 2016 sa ganap na ika-6 ng gabi.
   
Ang unang episode ay magpapakita ng mga pagkain at kung paano ito i-prepare at i-preserve, ang paggawa ng asin sa Norte hanggang sa Halal ng south, ang food preservation ng Ilokos hanggang sa tradisyon at ang mga kilalang desserts ng Bulacan.
   
Ang ikalawang episode naman ay magpapakita ng iba’t ibang tahanan ng mga Filipino mula sa  ating mga katutubong kababayan tulad ng Ivatan home, Ifugao Bale, T’boli longhouse, ang bahay kubo hanggang sa modern times tulad ng Bahay na Bato.
   
Ang ikatlong episode naman ay magpapakita ng dance and music sa iba’t ibang ritual tulad ng Subli sa Batangas, Tudbulul chant ng T’Boli, ang Salidumay ng Kalinga at ang Bulul ritual ng Ifugao.
   
Sa ikaapat na episode ay ipakikita naman ni Sen. Loren ang iba’t ibang spiritual ritual  ng Agusanon Babaylan, ang Mambobolo  at Mananambal ng Siquijor at ang Baglan ng Abra.    Ang mga ito ay ilan lamang sa mga interesting docu series na matutunghayan sa “Dayaw’ tuwing araw ng Huwebes, alas-6 ng gabi sa news channel ng ABS-CBN, ang ANC.
   
Samantala, inamin ni Sen. Loren Legarda sa presscon ng “Dayaw” ng ANC Channel na wala na umano siyang balak na tumakbo sa mataas na posisyon kapag nagtapos ang kanyang termino bilang senador in June 2019. Gayunman, magpapatuloy siya sa kampanya at pagsuporta na may kinalaman sa kalikasan, arts and culture na siya niyang adbokasiya sa simula pa man ng kanyang pagiging isang public servant.

SUNSHINE, TAHIMIK SA BAGONG RELASYON

HANGGANG ngayon ay tahimik pa rin ang ex-wife ni Cesar Montano na si Sunshine Cruz na may kinalaman sa relasyon sa half-brother ni Ara Mina na si Macky Mathay.
   
Si Sunshine ay may tatlong teenage daughters sa ex-husband niyang si Buboy (Cesar Montano) at hiwalay na rin si Macky sa ex-wife nitong si Camille Farinas-Mathay kung kanino ito may dalawang anak.
   
Parehong nasa process pa lamang umano ng annulment ang estado ng kanilang marriage sa kanilang previous partners pero hindi maikakaila na may special na namamagitan ngayon kina Sunshine at Macky base na rin sa viral photo na nakita ang dalawa na magka-holding hands habang tumatawid sa isang kalsada sa Bonifacio Global City in Taguig na nakunan ng isang netizen na siyang nag-post sa social media ng picture ng dalawa.
   
Maging si Ara ay hindi pa rin nagbibigay ng komento tungkol sa relasyon ng kanyang kapatid sa ex-wife ni Buboy.