4,658 guests

Alden-Maine wedding, daig ang totoong kasalan

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 864
Maine Mendoza & Alden Richards Maine Mendoza & Alden Richards

TALBOG ang totoong kasalan sa paghahanda sa Alden-Maine wedding ngayong tanghali sa Kalye Serye ng Eat Bulaga. After ng prenup photos ng couple to be, aba, nasilip namin sa social media ang invitation nila kung saan nakalagay ang mga sponsor.

Ang principal sponsors ay sina Helen Gamboa, Margot Torres, Irma Adlawan, Mike Enriquez, Joey de Leon at Elmer Villasanta.

Si Rodjun Cruz ang best man at maid of honor si Nicoleen Mendoza. Groomsmen naman ang apat na Baes na sina Tommy Penaflor, Joel Palencia, Kim Last at Jon Timmons.

Bridesmaids sina Jacnika Mendoza, Janeeva Verceles at Katrina Nicolas.

Ilan pa sa entourage sina Jake Ejercito, Miggy Tolentino, Kenneth Medrano, Aicelle Santos, Toni Aquino at Taki Sato.

Join din ang mga bagets na sina Ryzza Mae Dizon, Baste, Sandro Sotto, Scarlett Mago, Sam­sam Arumpac at Olivia Mago.

Sa AlDub, mabuhay ang bagong kasal!

* * *

PERFECT timing ang sho­wing ng The Escort ng Regal Entertainment. Nagkasunud-sunod kasi ang pagpapa­labas ng rom-com movies kaya naghahanap ng bagong putahe ang mga manonood.
   
Pagdating sa mga glossy movie, drama man o sex-drama, forte ito ng Regal noon pa man. Bukod sa pagiging blockbuster sa takilya, critically-acclaimed pa, huh!
   
Bida sa The Escort sina Christopher de Leon, Lovi Poe at Derek Ramsay. Kitang-kita sa trailer ng movie na ginastusan ito nang todo.
   
Dahil sa ganda ng story, hindi na nagdalawang-isip si Lovi na tanggapin ang project lalo na’t sina Christopher at Derek ang kasama niya.
   
“Tatanggi pa ba ako? Besides, the story is amazing. I couldn’t say no,” saad ni Lovi sa blogcon.
   
Gustung-gusto ng Premiere Actress ang eksena nila ni Boyet na una silang magkikita. Ito ’yung eksenang pumayag mag-escort si Lovi dahil sa pera.
   
“Kaming dalawa lang ’yon. Nanginginig ang katawan ko bago ako pumasok sa scene habang naghihintay si Sir Boyet.
   
“Pagtingin ko sa kanya, dama mo agad ang pre­sence niya. Ang ganda pa ng dayalog namin. If there is one scene na ayokong mawala sa movie ay ’yung pagkikita namin ni Sir Boyet,” pahayag ni Lovi.
   
Pahinga muna tayo sa rom-com movies.
   
Namnamin muna natin ang maintriga at sexiest film ng taon, ang The Escort, mula sa direksyon ni Enzo Williams.

* * *

LIVING up to her image ang sexy star na si Kim Domingo bilang bagong pantasya ng bayan, huh!
   
Take note na moving heaven and earth ang isang mayaman at guwaping na negosyante upang makilala si Kim. Lalo ngayong siya ang 2017 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel, mahihirapang makalapit ang pumapantasya sa kanya, huh!
   
Sa mga nambibintang na bayarang babae si Kim, nakakuha siya ng kakampi kay Manay Lolit Solis.
   
“Hindi naman totoo ’yung intriga kay Kim na pokpok. Imagine, mahirap pa rin siya ngayon, huh! Working hard siya upang sumikat at magkaroon ng datung,” sabi ni Manay Lolit.
   
Eh, may mayamang negosyante raw na gustong ma-meet and greet si Kim.
   
“Sino ’yon? Teka, kailangan ko siya makausap. Alam mo naman ako, panay ma­ya­yaman ang gusto kong kaibigan, hahaha!” saad pa ni Manay.