5,178 guests

Coco, inilipat ng manager si Julia

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 2173
Coco Martin  & Julia Montes Coco Martin & Julia Montes

Coco Martin at Julia Montes pala ang na-blind item kahapon na baka aminin na ang ka­nilang relasyon dahil nagawan na ng paraan ng aktor ang problema sa kanilang relasyon.

Inilipat daw ni Coco ng management company si Julia. Ibig sabihin, wala na ito sa Star Magic at iba na ang magma-manage ng career ng aktres.

May kinalaman daw sa hindi maaming relasyon ni­na Coco at Julia ang de­sis­yon ng aktor na ilipat na lang ng management si Julia.

Lumalabas na may say si Coco sa career ni Julia at tama ba ang narinig naming co-manager siya ng Star Magic.

Malapit na raw i-announce ng nilipatang management company ni Julia na talent na nila ang aktres at malapit na nilang aminin ni Coco ang relasyon nila.

* * *

To date, three celebrity pairs ang nag-break, kabilang sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez, Denise Laurel at fiancé niyang Ginebra player na si Sol Mercado at Jake Cuenca at Sarah Grace Kelley.
   
Na-interview si Janine at ang sabi, ang magkaibang schedule nila ni Elmo ang isa sa mga rason ng break-up nila dahil nasa ABS-CBN si Elmo at siya ay sa GMA-7.
   
Mutual decision na maghiwalay sila, pero nanatiling magkaibigan dahil more than two years din ang relas­yon nila.
   
Nakakagulat lang na may ilang fans na si Janine ang sinisisi sa breakup nila ni Elmo, kahit sinabi na ng dalawa na walang third party sa hiwalayan nila.
   
Si Aljur Abrenica raw ang isa sa mga rason ng paghihiwalay at ngayong wala na sina Janine at Elmo, maaamin na nina Janine at Aljur ang kanilang relasyon.
   
Matatawa nito sina Janine at Aljur at i-expect nilang mas lalala ang tsismis dahil balik-tambalan sila sa Relationship Goals episode ng Usapang Real Love o URL, airing sa second week ng November.

* * *

Genuine na ang tawa at smile ni Rocco Nacino nang makausap namin after he renewed his contract with GMA-7.
   
Ang rason ng masayang halakhak at ngiti ni Rocco ay dahil naka-move-on na siya sa breakup nila ni Lovi Poe.
   
“This early pa lang nalaman kong hindi siya para sa akin. Naging blessing sa akin, ang break-up namin, dahil ni re-assess ko ang lahat sa akin. Mas okay ako ngayon, mas masaya. Alam kong walang third party sa breakup namin, it’s about us being ready. Kung mahal mo ang isang tao, it’s better to let her go. ’Yun ang gusto niya, anong magagawa ko?” sabi ni Rocco.
   
Kinumpirma niya na hindi pa sila nakapag-usap uli ni Lovi at wala ng rason para mag-usap pa sila.
   
Sa tanong kung paano ang healing process niya?
 
“Saktong may Encantadia, work and family ang tu­mulong sa akin. Inintindi ko rin ang sarili ko, ako naman. Pero ilang buwan din akong nasaktan. Naka-move-on na ako, pero aminado akong ito ang pinakamasakit na breakup sa akin.”
   
Hindi sinagot ni Rocco ang tanong kung puwede silang maging friends ni Lovi. Ang tiyak niya, ’pag nag-resume ang shooting ng Lakambini nila, ready to work siya at sa set, hindi siya si Rocco, kundi si An­dres Bonifacio siya, his character.
   
Samantala, natuloy ang dinner nina Rocco at mga kasama sa bagong Encantadia kina Iza Calzado, Karylle at Diana Zubiri na nasa 2005 at 2006 En­cantadia.        
   
Present din sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez, Carlo Gonzales at Rochelle Pangilinan.         Sayang at wala sina Sunshine Dizon at Gabbi Garcia.

* * *

Present si Benjie Paras sa presscon ng Trops na pinagbibidahan ng grupo ng That’s My Bae ng Eat Bulaga, sa pangunguna ng winner na si Kenneth Medrano.
   
Bida rin ang isa pang Triple A talent na si Taki.
   
Inalam namin kay Lolit Solis, manager ni Benjie, kung bakit nasa GMA-7 uli ang dating cager?
   
Ang sabi ni Lolit, walang conflict ang airing ng Trops sa The Promise of Forever, na ginagawa ni Ben­jie sa ABS-CBN.
   
Ayaw daw mabakante ni Benjie, kaya nang i-offer ang Trops at makitang walang magiging problema, ti­nang­gap ang project.
   
Sa Monday, October 24, bago mag-EB, ang pilot ng Trops sa direction ni Linnet Zurbano.
   
Kasama rin sa cast sina Inah Raymundo, Toni Aquino at Irma Adlawan. Prinodyus ito ng TAPE, Inc.