5,593 guests

Bea at Gerald: Halata na, pero ayaw mag-confirm

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 967
Bea Alonzo & Gerald Anderson Bea Alonzo & Gerald Anderson

KUNG pagbabasehan ang mga sighting sa ex-couple na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson, mukhang nagkabalikan na ang dalawa. Gayunman, wala pang kumpirmasyon na nagmumula sa kanilang dalawa.

Naging daan ang kanilang first movie together, ang “How To Be Yours” na ipinalabas last July para muling ma-rekindle ang muling pagiging malapit sa isa’t isa.

Sa recent birthday ni Bea, magkasama ang dalawa at si Gerald ang nagbigay sa kanya ng sorpresa.

Kung babalikan, naging item sina Bea at Gerald nung 2010 na hindi naman tumagal dahil sa wild reaction noon ng mga fans nina Kim Chiu at Gerald. Sa Star Magic Ball sa darating na Sabado, October 22, tiyak na sina Bea at Gerald ang magka-date. Sino naman kaya ang makaka-date ng ex-boyfriend ni Bea na si Zanjoe Marudo at maging ng ex-GF ni Gerald na si Maja Salvador?

MAY LILITAW NA KATOTOHANAN SA STAR MAGIC BALL

SAMANTALA, excited na ang lahat ng mga Kapamilya stars para sa taunang Star Magic ball ng talent management ng ABS-CBN. Dito magkakaalaman kung sinu-sino ang magsa-shine sa kanilang mga kasuotan at kung sinu-sino ang magkaka-date. Malamang na irampa na rin ni Sam Milby ang kanyang bagong girlfriend, ang Fil-British model na si Mari Jasmine. Tiyak ding si Luis Manzano ang ka-date ni Jessy Mendiola at malamang na sina Elisse Joson at McCoy de Leon ang magkasama. Tiyak na may iba pang revelations kung sinu-sino ang magkakapareha sa gabi ng Star Magic Ball.

Dumalo naman kaya ang magkasintahang Matteo Guidicelli at pop princess na si Sarah Geronimo?
   
Mag-isa kayang darating sa ball ang mga bachelors na sina Piolo Pascual at Zanjoe Marudo at John Lloyd Cruz? Sino naman ang magiging escort nina Angelica Panganiban, Maja Salvador at Angel Locsin (kung ito’y dadalo)?
   
Ang lahat ng ito’y masasagot sa Sabado ng gabi, October 22.

CEB, BINIGYAN NG ‘A’ ANG ‘MULAT’

SA wakas ay maipapalabas na rin sa commercial run ang psychological thriller indie movie na “Mulat” (Awaken) sa darating na November 2. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Diane Ventura at tinampukan nina Jake Cuenca, Ryan Eigenmann at ng baguhang aktres na si Loren Burgos. Ang nasabing pelikula ang nakapaghatid ng Best Director at Best Actor trophy kina direk Dianne at Jake, respectively, sa International Film Festival Manhattan 2015 (New York, USA) at Best Narrative Feature sa World Cinema Festival in Brazil kung saan din nanalong Best Actor si Jake.
   
Ang “Mulat” ay binigyan ng “A” rating ng Cinema Evaluation Board.
   
Tampok din sa “Mulat” sina Madeleine Nicolas, Rolando Inocencio, Issa Litton, Candy Pangilinan, Jen Rosales at Logan Goodchild.

LOREN, SUMUKO SA PAGIGING TEACHER KAYA NAG-ARTISTA

SAMANTALA, napakasuwerte ni Loren Burgos dahil bida kaagad siya sa una niyang (indie) movie kung saan niya kapareha for the very first time sina Jake Cuenca at Ryan Eigenmann na pareho niyang hinangaan bilang mahuhusay na actor.
   
Unknown to many, si Loren ay naging title holder ng Mutya ng Pilipinas noong 2008 bilang kinatawan ng Filipino community sa Southern California (USA).
   
Sa Pilipinas ipinanganak si Loren pero nung 2008 ay ang-migrate sa Amerika ang pamilya ng dalaga at doon na rin siya nagpatuloy ng kolehiyo sa California State University kung saan siya nagtapos ng Liberal Studies at pagiging teacher sana ang una niyang target. Pero sa on the job training pa lamang niya ay sumuko na si Loren dahil kakaiba ang American kids kaya hindi na niya ito ipinagpatuloy.
   
Dalawang beses nakakuha si Loren ng free trip to the Philippines, una para sa Mutya ng Pilipinas pageant at pangalawa nang gawin niya with Ai-Ai de las Alas ang isang proyekto for TFC. Sa dalawang pagkakataon na `yon ay parating may dumarating na offer na siya’y makagawa ng product endorsement kaya nagtatagal ang kanyang stay sa Pilipinas. Habang narito ay kumuha siya ng acting workshop sa ilalim ni Direk Rahyan Carlos at dito siya ipinakilala kay Mr. M (Johnny Manahan) kaya siya nakapasok sa Star Magic.
   
Since pabalik-balik ng Amerika at Pilipinas si Loren, hindi gaanong maka-take off ang kanyang career kaya kinausap niya ang kanyang parents kung puwede na siyang mag-stay sa Pilipinas nang matagalan para maipagpatuloy ang kanyang showbiz career.
   
Sa isang TVC (TV commercial) ay napanood ni Direk Diane Ventura si Loren at ipinahanap niya ito para maging female lead sa indie movie na “Mulat”.
   
Dapat ay magkakaroon na sana si Loren ng kanyang unang teleserye, ang “Someone To Watch Over Me” sa ABS-CBN, pero nakansela ito dahil sa pagbubuntis ni Judy Ann Santos.
   
Si Loren ay kasama sa pelikulang “The Unmarried Wife” na tinatampukan nina Angelica Panganiban, Dingdong Dantes at Paulo Avelino mula sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes under Star Cinema.
   
Ang ama ni Loren ay isang lawyer, si Atty. Andre Burgos na kaklase at kaibigan ni Pangulong Rodrigo `Digong’ Duterte sa San Beda College of Law. Naging board member din ito ng Sorsogon.
   
Si Loren ay gitna sa limang magkakapatid. She has two elder sisters at two younger brothers at isa pa lamang sa mga kapatid niya ang may asawa.
   
Loren is going steady with model-businessman Cris Lomotan for more than a year now.

MGA KABATAANG ARTISTA, DIREKTOR SA ‘TROPS’

PABATA nang pabata ang mga bagong director ngayon both sa pelikula at telebisyon.
   
Ang mga TV networks na mismo ang nagbibigay ng break sa mga baguhang director na sa kalaunan ay nakikilala bilang mahuhusay na director. Most of them start as writers o di kaya bilang assistant director tulad na lamang ng baguhang director na si Linnet Zurbano na dating assistant director ni Direk Mike Tuviera ng TAPE, Inc. at APT Entertainment.
   
Direk Linnet got the biggest break in her directing career nang ipagkatiwala sa kanya ng TAPE, Inc. (na siya ring producer ng top-rating and longest-running noontime show na “Eat Bulaga”) ang pagdidirek ng pinakabagong morning TV series na “Trops” na siyang launching TV series ng mga kilalang Baes ng “Eat Bulaga” na sina Kenneth Medrano, Kim Last, Tommy Penaflor, Jon Timmons, Miggy Tolentino at Joel Palencia. Tampok din dito ang baguhang si Taki kasama sina Benjie Paras, Ina Raymundo at Irma Adlawan.
   
Ang “Trops” ang siyang papalit sa time slot ng “Calle Siete” at magsisimulang mapanood simula sa darating na Lunes, October 24, 11:30 a.m. at pre-programming ng “Eat Bulaga”.
   
Si Kenneth Medrano ang grand winner ng “That’s My Bae” segment ng “Eat Bulaga”. Siya’y tubong Cebu at mahusay umarte, sumayaw at kumanta. Lumabas na rin siya sa Lenten special ng “Eat Bulaga” at sa “Calle Siete”.
   
Si Miggy Tolentino naman ay hindi matatawaran ang husay sa dance floor na siya niyang naging pasaporte sa kanyang showbiz career.
   
So Taki ay isang French-Japanese-Pinay talent na regular ding napapanood sa “Eat Bulaga”. Nagkaroon ng huge following ang team-up nila ni Kenneth nang siya’y mapasama sa “Calle Siete” kaya muli silang pinagsama sa bagong serye na “Trops” kung saan naman nila makaka-love triangle si Miggy.