8,499 guests

Direktor, nag-enjoy sa makatotohanang love scene

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 710
Derek Ramsay, Lovi Poe Derek Ramsay, Lovi Poe

si Derek Ramsay kay Lovi Poe na first time niyang nakapareha sa pelikulang “The Escort” ng Regal Entertainment.

“Pareho kami ng kulay,’’  katwiran niya.

Pareho kasi silang sunog/ kayumanggi, kumpara sa naging leading ladies niyang sina Anne Curtis, Coleen Garcia, Andi Eigenmann at (isali na rin natin) si Kikay Celis na medyo kutis porselana.

Hindi rin inaasahan ni Derek, lalo na rin ni Lovi ang naging reaction ng mga nakapanood ng trailer ng first ever movie nila. Matagal-tagal na rin kasing nagpahinga si Derek sa paggawa ng mga sizzling scene sa pelikula dahil natutok siya sa reality shows.

“I have to credit Lovi for all those beautiful love scenes namin,” wika ng sexiest actor. “Kinausap ko siya at sabi ko, itodo na namin sa first take pa lang para hindi na naming ulitin pa.

Ayaw na kasi ni Derek na maulit pa ang nangyari sa kanila ni Coleen (Garcia) noon. Magkaibigan pa naman sila ng BF nitong si Billie (Crawford) at alam niyang iingatan ni Derek si Coleen sa bed scenes nila. “Wala kasing rehearsal at naninibago pa si Coleen sa bed scenes namin. Nagkabiglaan kami. Instead of mai-cover ko siya sa eksena, pang-angat niya, her boobs were all over my face and we had to do it again.
   
“With Lovi, I told her na dumikit siya sa dibdib ko para hindi siya makitaan. Napaka-cool niya at nang panoorin namin ang rushes, we were both satisfied. Dahil, marami rin ang mga eksenang ganun. It came out naturally.”
   
As far as Direk Enzo Williams was concernd, akala niya, Derek and Lovi were lost in their emotions.
   
“I didn’t stop them at all. Hindi rin ako nag-cut dahil ang ganda ng nakikita ko. Hinayaan ko sila hanggang makakaya nila. Even Mother Lily and Roselle Monteverde fell in love with the results. Tuwang-tuwa talaga sila.
   
“It’s not all love scenes ang mapapanood, pero, alam nilang lahat na ang gustong-pag-usapan ng lahat at ang aabangan ay mga love scene nina Derek at Lovi.
   
Sa lakas ng chemistry on screen nina Derek at Lovi, naalaala namin tuloy sina Vilma Santos at Christopher de Leon sa sexy movies nila.

ANNE, PINA-RELAX SI DENNIS SA LOVE SCENE

DREAM come true na para kay Dennis Trillo ang makatambal si Heart Evangelista sa isang teleserye tulad ng “Juan Happy Love Story”- at never naman siyang umasa na makasama si Anne Curtis sa isang project, tulad ng pelikulang “Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend” mula sa Viva Films na mapapanood na sa Oct. 19
   
“Magkaiba kasi kami ng network, GMA ako at Star Cinema si Anne,” sabi ni Dennis. “Pero, ang manager niya pala ay Viva Films (naka-loan lang si Anne sa Star Cinema at Kapamilya network) Pumayag naman ang Star Cinema kaya, naging possible.
   
“Hindi ako makatingin kay Anne sa first day shoot namin. Humingi ako ng sapat na pagkakataon na kumalma para kayanin ang hinihingi ng pagkakataon. Siguro, nahalata niya ang predicament ko kaya, tinulungan niya ako. Kinakausap niya akong lagi hanggang maramdaman ko na nakaka-relax na ako. Sa totoo lang, mas naging madali sa akin ang mga eksenang lalakeng-lalake ang pino-portray ko, kaysa  tunay na ako. Yes, totoo po ang hinala n’yo. Beki po ako dito at lumalabas ang pagtikwas-tikwas ng mga daliri ko kapag nabibigla ako o natatakot.”

ZANJOE, INIHAYAG NA ANG PAPALIT KAY BEA

MUKHANG naka-recover na si Zanjoe Marudo sa break-up nila ni Bea Alonzo. Sumasagot na kasi siya sa mga interview tungkol sa pelikulang “ The Third Party” na kasalukuyang tumitipak nang husto sa takilya.
   
Masaya na rin para sa kanya ang mga co-stars niyang sina Sam Milby at Angel Locsin na umaalalay sa kanya sa mga interviews.
   
Akala nga nina Sam at Angel, hindi sasagutin ni Zanjoe ang tanong kung ano ang mga katangian ng hinahanap niya sa isang babaeng magiging kapalit ni Bea Alonzo sakaling dumating na ito uli.
   
“Puwera biro, gusto ko ang mata ni Mamang Pokwang. Gusto ko ang tsinita, ilong ni Cristine Reyes, katawan ni Angel Locsin at mukha ni Megan Young.”
 
Nakatulong kay Zanjoe ang mga balitang happy na si Bea sa pag-aalaga ni Gerald Anderson sa dating girlfriend, kaya, puwede na niyang buksan ang kanyang puso para sa iba.
 
PAOLO, LALAKING-LALAKI SA HARAP NG ANAK

ANG totoong hirap na hirap na hirap umarteng lalake ay si Paolo Ballesteros.
   
Sa presscon ng “Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend,” lakad pa lamang ni Paolo ay natatawa na mga movie press. Lalo na kapag napapanood na siya sa pelikula at umaarteng macho. Mas mukha siyang girl kaysa kay Anne Curtis. At mas maganda pa dahil may kaliitan ang kanyang bibig at ilong kaysa kay Anne.
   
Pero, sa sex appeal, walang kaduda-dudang babae kaysa kay Paolo si Anne.
   
Para sa kaalaman ng madlang pipol, nakabuntis na po si Paolo at nasa kanya ang anak niyang babae.
   
Kapag kasama ni Paolo ang kanyang anak, hindi siya kumekendeng-kendeng sa harap nito. Gusto niyang lumaki ang anak nang normal. Madalas din silang magkita ng ina ng kanyang anak.