5,002 guests

Vina, may kapalit na

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 689

HEAVY ang special guests ng singer-actress na si Vina Morales sa kanyang “Vina @Thirty” concert na ginanap sa Kia Theater last Friday (October 14) evening to mark her 30th year sa entertainment business.  Nagsilbi rin niya itong pre-birthday concert dahil bukas, Monday, October 17 ang kanyang actual birthday.  Naging special guests ni Vina ang mag-tito na Robin Padilla at Daniel Padilla, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Shaina Magdayao at maging ang 7-year-old daughter ni Vina na si Ceana. Dinirek ito ni Mr. M. (Johnny Manahan) and produced ng DSL Entertainment and production company ng Concert Queen na si Pops Fernandez.

Vina should be doing more concerts dahil bukod sa napakaganda ng boses niya, she’s also a good  dancer and a good performer.
   
Marami rin ang nakapansin na napakalaki ng ipinayat ni Vina.  Talagang pinaghandaan niya nang husto ang kanyang “Vina@Thirty” concert lalo na ang kanyang napakagandang kasuotan that evening.
   
Almost filled-up ang Kia Theater  kaya lang, medyo nainip ang mga tao dahil sa late na nagsimula ang show at almost 9:30 p.m. But the waiting paid off nang magsimula nang mag-perform si Vina and her special guests.
   
Mukhang may future din ang only child ni Vina (sa controversial businessman na si Cedric Lee) na si Ceana dahil at an  early age ay nagpakita na ito nang husay sa pagkanta tulad ng ina. Mukhang may papalit na kay Vina.
 
Since sa loge section kami nakapuwesto nina Allan Diones at Pilar Mateo, hindi  namin nakita kung sinu-sino ang  celebrities na nasa audience except for Annabelle Rama na nakita namin sa lobby ng Kia Theater before the start of the show.

CLOIE, MAY STRONG SUPPORT BILANG MISS EARTH

HINDI man lumaki ang half-siblings na sina KC Concepcion, Garie Concepcion at Cloie Syquia Skarne sa piling ng kanilang biological father na si Gabby Concepcion, tiyak na masaya ang actor dahil magkaka-close ang magkakapatid. Credit it all to big sister KC na siyang nag-initiate na maging close sila. Bukod kina Garie at Cloie, may dalawa pa silang half-sisters (sa father side) na sina Samantha at Savannah sa  ikatlo at present wife ngayon ni Gabby na si Genevieve Yatco Gonzales-Concepcion.
   
Ang magkakapatid na KC, Garie at Cloie ay nag-guest last Friday sa morning show ng ABS-CBN, ang “Magandang Buhay” hosted by Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.
   
Sinabi ng magkakapatid na kahit hindi sila madalas magkita-kita, they are always there for each other.
   
Si Cloie ay kasalukuyang nasa bansa to compete sa Miss Earth bilang kinatawan ng Sweden kung saan siya lumaki.
   
Tuwang-tuwa naman si Cloie sa  nakukuhang strong support sa kanyang pagsali sa international  Miss Earth beauty competition.
  
ELISSE AT MCCOY, NEXT HOT LOVETEAM

WITHOUT much push, mainit na ngayon ang tambalan nina Elisse Joson at McCoy de Leon na nabuo nang sandali silang pumasok sa PBB: Lucky Seven.
   
Meron na namang bagong loveteam ang susugalan ng Kapamilya Network.
   
Dahil sa pagiging mainit ngayon ng tambalan nina Elisse at McCoy, hindi kami magtataka kung bibigyan ang dalawa ng bagong teleserye na silang dalawa mismo ang bida at kasunod na rito ang kanilang launching movie as a loveteam.
   
Hindi kaya nanghinayang si Jerome Ponce na tinake for granted si Elisse nung sila pang dalawa  ang magkasintahan?
   
Nabalitaan namin na ang tambalan nina Elisse at McCoy ang isa sa tinilian nang husto ng audience sa recent `thanksgiving concert’ ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Araneta Coliseum.

ADVISE KAY ELMO: MAG-CRASH COURSE SA ACTING

MARAMI ang naniniwala na mukhang malabo nang maulit pang muli ang tambalan nina Elmo Magalona at Janella Salvador na unang pinagtambal sa seryeng “Born for You” at sa isang episode ng Wansapanataym dahil wala umanong spark ang tambalan ng dalawa.
   
Ibalik kaya si Janella sa una nitong ka-loveteam na si Marlo Mortel o bibigyan ito ng panibagong ka-loveteam na kakagatin ng publiko?
   
May mga naga-advise rin kay Elmo na mag-crash course ng acting lessons bago ito muling sumalang sa next project.

MAGKAKABUKI-NGAN SA STAR MAGIC BALL

TIYAK na aabangan ng publiko ang darating na 2016 Star Magic Ball on October 22 dahil dito malalaman kung sinu-sino ang magkaka-date among the celebrities at kung kani-kaninong kasuotan ang magsa-shine.
   
Hindi kami magtataka kung sina John Lloyd Cruz at Maja Salvador ang magkasama dahil bukod sa sila’y magkaibigan, iisa ang kanilang handler sa Star Magic.  Sino naman kaya ang ka-date ng ex-GF ni John Lloyd na si Angelica Panganiban?
   
Sa Star Magic Ball din  ay irarampa na marahil ni Sam Milby ang kanyang bagong kasintahang Fil-British model na si Mari Jasmine.
   
Hindi rin kataka-takang si Luis Manzano ang maging escort ni Jessy Mendiola.  Solo flight marahil si Zanjoe Marudo habang ang ex-GF niyang si Bea Alonzo ay malamang si Gerald Anderson ang makaka-date.  Dumalo kaya si KC Concepcion with Aly Barromeo in tow?Dumating din kaya ang loveless na si Angel Locsin? .Hindi kaya sila ni Zanjoe ang magkasama dahil pareho silang loveless ngayon at may bago silang movie na palabas?

JEAN, ’DI NAGPATALO KAY LOVI

NAPAKA-DARING ni Lovi Poe sa kanyang bagong movie under Regal Films, ang “The Escort” kung saan niya mga kabituin nina Derek Ramsay at Christopher de Leon na dinirek ni Enzo Williams.
   
Trailer pa lamang ng pelikula ang napanood ng entertainment press sa grand launching ng movie na ginanap sa Valencia Events Place na pag-aari ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde, pero namangha ang mga nakapanood dahil mukhang kakaibang Lovi ang mapapanood.
   
Kung buhay pa kaya ang kanyang amang si FPJ, gawin kaya ni Lovi ang pagpapaseksi at pagiging daring sa mga pelikulang kanyang ginagawa?
   
Ayaw magkomento si Lovi at sa halip ay mas dinidiin niya ang kanyang pagiging isang artist.
   
Ginampanan lamang daw niya ang hinihingi ng istorya at ng kanyang director.  Pinasalamatan din ni Lovi si Derek dahil sa pagiging gentle at protective nito sa kanya laluna nung ginagawa nila ang kanilang mga intimate love scenes sa movie.
   
Kung maiinit ang mga tagpo nina Derek at Lovi sa “The Escort,” hindi rin nagpatalo si Jean Garcia na isa ring palaban sa pelikula.
   
Ang “The Escort” ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide on November 2.