6,747 guests

Palpak na serbisyo at panloloko

  • Written by Jay De Castro
  • Published in Opinion
  • Read: 289

MATINDI talaga itong Globe Telecom, Inc., sa kabila ng bilyun-bilyong piso na kanilang kinikita ay nananatiling palpak at madaya ang kanilang serbisyo. 

Matapos kong isulat nitong Huwebes ang aking mga reklamo sa palpak at madaya nilang operasyon ay wala itong pinagbago.
   
Gaya ng aking sinabi sa nakaraang kolum, kapag nag-load ka ng P100 at nag-avail ng kanilang unlitextP50 promo, mauubos ang load mo, sa paulit-ulit na pag-text ng kanilang promo na hindi dumarating.
   
At ’pag nagtanong ka ng balanse mo, magugulat at maiinis ka, sapagkat ang inaasahan mong balanse ay ubos na o piso na lamang.
   
Kaugnay nito, inilathala ko rito ang comment ng ating mga mambabasa sa nakaraang kolum, tungkol sa palpak na serbisyo at panloloko ng Globe sa kanilang mga subscriber.
   
Narito po.
   
1. “Correct po na ang Globe is stealing from subscriber. I loaded P100 sa cellfone ko to avail of Globe promo GOTSCOMBODD70,  so I shoud have remaining balance of P30. By the time na ma-process ang text ko, P5 was deducted from my P30 and after 10 hours, ubos ang P25, and I have not texted nor called.  Grabe. The P10 kinain ng Globe.” +639435299276.
   
2.  “Good morning po sir Jay, you are really correct! I already experienced that kind of ‘pagnanakaw’ ng Globe. Every week I load P100 for the promo GOCOMBOIJHD95. Ok din nung una, pero pag-check nung balance, wala ng P5. It’s good na ma-open sa public ’yang mga reklamo. Thank you for that nice article in your column. More power and God bless!” +639179601822.
   
3. “Gud a.m. Atty. Jay de Castro, avid reader ako sa column mo Magkaisa Para sa Bayan. Dito sa kumento mo sa palpak at mandaraya na mga telco, ako mismo kaya ayaw ko na bumili ng globe simcard dahil nga magnanakaw ang mga iyan. Mayroon ako Globe nun itinapun ko na. Sabi ng apo ko, wa wenta loloy.” Tnx.+639184460454. 
   
4.“’Di lang ako makapagreklamo sa asal ng Globe. Lahat ng nabanggit ninyo sa kolum ay nangyari din sa akin. ’Di lang 10X.” (+639266825791).
 
5. “Sir Jay nais ko sanang ireklamo ang madalas na pagpapadala ng Globe  ng mga kanta na hindi ko pinapansin, pero may charge pala at automatiko binabawas sa load ko.” +639164117897.
   
6. “Lahat ng telco dito palpak at mandurugas. Kaya pag maglo-load ka at magpo-promo kelangan sakto lang kasi ung tira kakainin lang nila..” Xriss Ching.
   
7. “Nangyari na ho sa kin ’yan ilang beses na, kaya dapat matuloy na ’yung balak ni P Digong na magpapasok ng ibang dayuhang telcos.” Benilda Estrella.
   
8. “Sobra ang Globe na iyan. Bilyun-bilyong piso ang kinikita sa palpak na serbisyo nila. Ultimong pagtanong ng balanse ay pinagkikitaan pa at ang masama pati ang load na binayaran sa kanila ay ninanakaw pa.” Jess Batino.
   
Batay sa mga kumento ng mga subscriber ng Globe, malinaw ang palpak na serbisyo at panloloko nito sa publiko.
   
Sana’y pagtuunan ito ng pansin ng ating mahal na Pangulo.  
   
Binalaan na ni Pangulong Rody Duterte ang mga cellphone company sa bansa,  na ayusin ang kanilang palpak na serbisyo.
   
Dahil hindi lang mabagal, walang signal at hindi makatawag o matawagan ang kanilang mga linya, at ang pinakamasama, nananakaw pa ang load ng kanilang subscribers, mas makabubuti sa publiko, kung hahayaan ng Pangulo ang pagpasok ng mga kumpanya na maaaring maging ka-kumpetensya ng Globe at Smart, nang mapuwersa silang ayusin ang kanilang serbisyo, sapagkat sa totoo, sa palpak nilang serbisyo at panloloko sa tao ay dapat silang tanggalan ng prangkisa.