6,640 guests

Dream wedding ni Rufa Mae, tuloy na sa Nov. 25

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 497

VENUE na lang ng simbahang pagdarausan ng kasal ni Rufa Mae Quinto and Trevor Magallanes ang ’di pa tiyak. Pero matutuloy na ito on November 25. 

Now six months pregnant with Trevor’s first baby, Rufa Mae believes she will still look the enticing bride as she had always dreamed to be. 

Dream din na maituturing ang kanyang entourage, as the sponsors they have chosen include Cesar Montano and Direk Joyce Bernal.
   
Matron of honor si LJ Moreno-Alapag. At ang kanyang mga bridesmaid naman include Camille Villar, CJ Jaravata, Grace Lee at Shalani Soledad-Romulo.
   
Balak daw ipagpatuloy ni Rufa Mae ang kanyang showbiz career, should Trevor, na isang businessman sa America, allows her pagkapanganak niya.
   
Before, she left for the US to try her luck there sana, but met Trevor instead.  Rufa Mae was a mainstay of the gag program on GMA-7, Bubble Gang, which Michael V topbills.

* * *

Holly Mau pala ang titulo ng episode na pagsasamahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona sa long-time running series na Wansapanataym na magsisimula this coming Sunday.
   
Ito bale ang second team-up ng dalawa after their first series together, Born For You.
   
Between the two, mas busier si Janella since she is doing a movie for Regal Entertainment.

* * *

Six years din pala mula nang maghiwalay sila ni Anne Curtis bago natutu-nang muli na magmahal ni Sam Milby ng iba.
   
Sam’s current one and only, of course, is not one in showbiz. Although, as stunning siya, tulad ni Anne, since she is both a ramp and commercial model.
   
In the case of Anne, alam nating three years na sila ng kanyang current boyfriend na si Erwan Heussaff na isa ring commercial and ramp model and the youngest and only brother ng fellow actress ni Anne na si Solenn Heussaff.
   
Like Anne, Sam has just finished a movie, The Third Party, na bago at complicated ang theme as it is about a guy na nagkagusto sa isa niyang kabaro.
   
Anne’s movie naman, Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend has her always falling for a guy na madalas ay may boyfriend din.
   
In real life, Anne said na hindi naranasan ang kanyang role na mapasok sa same situation.
   
Samantala, showing ang The Third Party, which also stars Zanjoe Marudo on October 12, October 19 naman ipapalabas ang Bakit Lahat Ng Guwapo... na pinagbibidahan din ni Paolo Ballesteros.
   
The Third Party is a production of Star Cinema and directed by Jason Paul Lacsamana.
   
An Idea First company movie for Viva Films, Bakit Lahat Ng Guwapo... is directed naman by Jun Lana.