6,343 guests

Heart, madamdamin ang message kay Chiz

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 511

WEIRDOES ang tawag ni Heart Evangelista sa nag-report na almost 40K likes sa suot na damit niyang itim na gawa ng friend na si Mark Bumgarner. Pinost niya ang pic na ’yon sa kanyang Instagram account niya kahapon.

“Because certain weirdoes reported this pic for getting almost 40K likes I shall upload again (heart emoticon) to @markbumgarner you are ammmmaaazing as ever!”
   
Ginamit ni Heart sa kasal ang damit na ’yon. Hindi kami sure kung sister niya ang ikinasal at parang Tagaytay ang  nasilip naming background. Present din kasi ang parents ni Mrs. Chiz Escudero.
   
Pero never naging isyu kay Heart ang mga weirdo na ’yon lalo na’t nag-celebrate ng birthday kahapon ang asawa niyang si Sen. Chiz. Isang madamdaming pahayag ang pinost ni Heart sa kanyang IG kahapon na pinagkakaguluhan ng tao ang asawa sa paghalik at pagyakap!
   
“I wish you all the best babe! You deserve it! Happy happy birthday my darling. Thank you for all that you have done for everyone!” bahagi ng message ni Heart.
   
Bilang suporta naman sa idolo, psychopath naman ang tawag ng fans niya sa mga weirdo na ’yon, huh!

* * *

NILALANGGAM din sa katamisan ang palitan ng anniversary messages nina Charice Pempengco at girlfriend na Alyssa Quijano kahapon. Bale four years na ang relasyon ng dalawa kaya naman inilabas nila sa kanilang social media account ang naging daan ng batian nila.
   
Base sa tweets nila, may forever na mangyayari sa relasyon nilang dalawa, huh!
   
After Aiza Seguerra at Liza Diño, ang partner na sina Charice at Alyssa ang second next lesbian relationship na very open sa publiko.
   
Pero sa relasyon ng isang aktor sa isang beki, lihim na lihim, huh! Pero ’yung mga kapwa bading, open book ang kanilang relasyon lalo na sa kaso nina directors Jun Lana at Perci Intalan lalo na’t meron na silang “anak.”