9,880 guests

Nathalie, hiyang-hiya sa sarili habang pinapanood ang ‘Siphayo’

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 619

POSTPONED muna ang pagpapalabas sa mga sinehan ng launching film ni Nathalie Hart na Siphayo. Wala pang announcement ang BG Productions International kung kailan ang magiging playdate ng pelikula na pinagbibidahan din nina Allan Paule, Joem Bascon at  Luis Alandy.

Anyway, buong ta-pang na pinanood ni Natha-lie sa kauna-unahang pag-kakataon ang Siphayo sa ginanap na premiere showing nnito at ayon sa aktres, nahihiya siya habang pinapanood ang sarili.

“Nahihiya ako, nahihiya talaga ako kasi ayokong makita yung sarili ko na nakahubad pero wala na akong magagawa, eh,” reaksyon niya.
   
“But I’m so happy how director (Joel Lamangan) executed the film. I’m so happy kung ano yung kinalabasan ng film,  so ngayon, I saw the film na and I’m proud of it and I don’t care anymore… and I’m so happy what I saw and ang ganda rin ng film namin,” patuloy ng sexy star.
   
May full frontal nudity si Nathalie sa film habang naliligo siya. Pero nilinaw ng dalaga na hindi yon ang eksenang iniyakan niya.
   
“Ang iniyakan ko talaga ay yung love scene ko with Joem,” sey pa niya.
   
Nagpa-shave ba siya ng pubic hair bago kunan ang bath scene?
   
“I don’t know. I don’t even remember. Ha-ha-ha!” natatawa niyang reaksyon.
   
“Pero, oo yata. Nag-shave yata ako. But I didn’t look at it. Hindi ko na tiningnan kasi the whole time kasama ko yung handler ko sa likod, tinatakpan ko yung mata niya para hindi niya makita kasi nahihiya ako,” dugtong niyang natatawa pa rin.
   
Tanong naman sa amin ni Nathalie, “Nagustuhan mo ba ang pelikula? Hindi naman bastos, ’di ba?”
   
Kaagad naman naming sinang-ayunan ang kanyang pahayag dahil in fairness, hindi nga bastos ang pelikula at maganda ang pagkakagawa nito.
   
“Hindi naman talaga siya bold na basta na lang ako nagpalabas ng katawan. Of course, siyempre yung ibang tao, they will see it in a different way but that’s their problem, that’s not my problem anymore.”
   
Ngayong nakita na ng tao ang kanyang katawan, ano pa ba ang kaya niyang ipakita sa mga susunod niyang pelikula?
   
“Well,  hindi na nila kailangang makita ang katawan ko pero at least, nakita na nila na may ipapakita ako… yun yon,” katwiran ni Nathalie.
   
Samantala, isa si Nathalie sa bida sa pelikula ng Cinema One na Tisay. Sexy pa rin daw siya sa movie pero hindi na siya maghuhubad.