6,695 guests

Sofia, handa na

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 527
Sofia Gonzalez Sofia Gonzalez

HINAHABOL pa rin ng mga kontrobersiya ang dating aktres na si Cristina Gonzalez-Romualdez.

Baka mas matindi pa ngayon. Dahil sabi nga nila, mas matindi ang siraan sa pulitika. Hindi na bago ito sa Mayor ng Tacloban City. Kaya mukhang maning-mani na sa magandang mayor ang anumang kontrobersiyang ipupukol ng mga kritiko.Dahil matapos nilang mapagtagumpayan ang Yolanda tragedy, mukhang wala na rin silang ‘di kakayanin pa.

Kaya naman maging ang kanilang anak na si Sofia Gonzalez ay buong-buo ang loob na sumabak sa showbiz. Sofia has just signed up with Viva as its newest recording artist. Kasabaynito, inulan na kaagad siya ng intriga kung bakit Gonzalez at ‘di raw Romualdez ang gamit na apelyido. Mas kilala raw kasi ang Gonzalez sa showbiz, gaya ng pahayag niya sa interview sa kanya ng mga kasamahan sa panulat. Sofia’s first taste of controversy was during the height of the last election campaign but she immediately apologized for the controversial tweet. For sure, she is now ready to handle controversies.

Sa pagsabak ng anak sa showbiz, hindi kaya magiging stage mother itong si Mayora Cristina? Just asking...

OPENING NUMBER NG MISS WORLD-PHILIPPINES, PININTASAN
   
KALIWA’T kanan ang pambabatikos na inabot ng katatapos na Miss World-Philippines 2016. 
   
Nasentro ang batikos sa mga perfomer sa opening production number na diumano’y nagpababa sa kalidad ng pageant. Mga “da hu” daw silang lahat. Sina Kim Molina at Monica Cuenca ang nag-perform sa opening prod. Kasama nila sina Rachel Lagad, Arabelle Dela Cruz, Mary Anne Ferrer, Andrea Magadia at Karla Alejo na miyembro ng all-girl group na IPT. Baguhan nga sila pero maayos naman ang kanilang performance. Viva ang nasa likod ng production ng coronation night ng MWP. Kaya siguradong hindi naman ilalagay sa alanganin ang production quality nito. Tama lang naman ang timpla dahil ang highlight ng opening prod ay mismong mga kandidata ng Miss World Philippines. They are the main attractions, after all.
   
Nakakalungkot na marami sa atin ang madamot sa pagbibigay ng break sa mga baguhan o “dahu” para mag-perform sa isang major show. Luckily, Viva has all the means and outlets to give upcoming artists their moment to shine.
   
Magsisilbi kayang inspirasyon nina Kim, Monica at IPT ang naranasan nilang panlalait para matupad ang kanilang pangarap na maging big stars? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa column naito parasa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon.Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.