7,982 guests

Nathalie, naalatan sa love scene

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 689

Pumayag si Nathalie Heart sa breast exposure at matitinding love scenes with Luis Alandy and Joem Bascon sa indie film na Siphayo dahil sa ganda ng kanyang role at si Direk Joel Lamangan ang direktor. Pero talagang naiyak daw siya noong first time na kunan ang love scenes dahil nga first time na gumawa nang ganu’n ka-daring na scene.

“Mahirap din kasi na first time mong gagawa nang ganu’n and ang direktor mo, Joel Lamangan pa. Because si Direk Joel, he’s not very easy, alam mo ’yun, I mean, hindi ka niya kakapain, ikaw  ’yung dapat sumunod sa kanya. So, kung first time mo, dapat talaga, ready na ready ka. And at that moment in time, hindi talaga ako ready,” pag-amin ni Nathalie nang makausap namin sa pocket presscon niya kahapon.
   
Inamin niyang tinalakan siya ng premyadong direktor.
   
“Tinalakan niya ako and pumasok siya sa CR. Umi-iyak na ako. Tapos tumawag na ako du’n sa manager ko, si Tito Leo Dominguez. Sabi ko, ‘tito, pwede ba kita makausap for a minute?’ And then, pumasok na ’yung producer namin, and then, pumasok si direk.
   
“Sabi ko, ‘direk, I don’t want to do porn, this is not what I want in life, I don’t want to be a porn actress.’  Sabi ni Direk Joel, nakaka-loka,  ‘I’m not a porn director! This is a proper movie, I direct proper films, but this needs a love scene and you have to do it! You read the script.’
   
“Tapos, sabi ko, ‘I understand but blah blah blah,’  tapos umiiyak ako. Tapos naghi-hysterical na ako,” kwento ng Fil-Australian actress.
   
Kumalma naman daw sila pareho later on and they did the love scenes with Luis.
   
“When I did the scene, wala na, talagang in-all-out ko na so that I don’t have to do a second scene. After that I’m happy, pero ’yun nga lang, hindi lang ’yon ’yung scene ko do’n na may love scenes ako. There are more love scenes.”
   
Of course, binasa naman daw niya ang script at alam naman daw niya ang gagawin niya, it’s just that hindi pa raw niya alam how Direk Joel would execute the scenes.
   
Akala raw niya kasi ay hindi naman ganu’n kagrabe sa aktwal na take ang gagawin niya dahil alam niyang hindi na allowed ang ganitong mga ka-daring na eksena ngayon.
   
“And I think, this is the first time that SM allowed a movie like this in their cinemas.”
   
Nang gawin naman niya ang breast exposure ay medyo relaxed na siya dahil nagawa na rin naman daw niya sa love scenes nila ni Luis.
   
“I was more relaxed because nagawa ko na, eh. Parang it was like, ‘okay, nakita na nila.’ It was much easier for me, the cameraman saw it already, so ’pag gagawin ko na, they know how to act na parang wala silang nakikita. Hindi akward.”
   
Mahirap rin daw ang love scenes nila ni Joem sa maisan.
   
“Nakakapagod  kasi natutusuk-tusok ka ng mga damu-damo. Natutusok ka na, pawis ka pa, pinaitim pa ako sa movie na ’to. So, ’pag hinahalikan ako ni Joem sa leeg ko, nakakain niya ’yung make-up ko, nakakain pa niya ’yung pawis ko. Nakakain pa niya lahat, ’yung libag ko, lahat. Parang nakakadiri talaga. Alam mo ’yung it tastes so salty. And then it’s so hot,” paglalarawan ni Nathalie sa eksena.
   
After the scene, nagbiruan daw sila ni Joem at sinabihan niya ang aktor na ang asim ng lasa nito. Sagot naman nito sa kanya, “mas ang pangit ng lasa mo, kasi kinain ko pa ’yung make-up mo pati ang pawis mo.”
   
Laugh kami nang laugh sa kwento ni Nathalie at ngayon lang namin nalamang masarap pala siyang kakwentuhan.
   
Showing na ngayong Wednesday, October 5 ang Siphayo under BG Productions.
   
Bukod sa Siphayo, kasama rin sa Balatkayo at sa My Rebound Girl na showing ngayon si Nathalie.