4,798 guests

Pribilehiyo ng OFWs

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 195

MAGSISIMULA  nang magdadatingan ang mga Pamasko ng mga kababayan natin na nasa ibang bansa.

Kaya naman magandang balita para sa kanila ang utos ni BoC chief Nicanor Faeldon sa kanyang mga tauhan na huwag idaan sa random o “arbitrary physical” examination ang mga balikbayan box.

Siyempre galak ang nararamdaman ng ating mga OFW at kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.
   
Umaasa sila na susundin ng mga taga-BoC ang utos ng kanilang hepe.
   
Dati kasi ay inuulan ng reklamo ang BoC dahil sa pagkawala ng laman ng mga balikbayan box.
   
Isa pa, ngayon ay hindi papatawan ng buwis ang mga balikbayan box na naglalaman ng hindi hihigit sa P150,000.
   
Dati kapag lumampas ng P10,000 ang halaga ng laman ng balikbayan box ay pinapatawan ito ng buwis.
   
Puwede lamang buksan ang isang “suspicious” box sa harap ng mga representante ng iba’t ibang opisina.
   
Dapat kaharap din ang representante ng isang “recognized OFW organization.”
   
Pero binalaan ni Faeldon ang mga mandurugas na huwag abusuhin ang pribilehiyo na ibinigay sa mga OFW.
   
Ani Faeldon:  “Pabayaan niyo na ang balikbayan boxes. Privilege ito ng OFWs, maganda ito para sa kanila. Huwag sanang bastusin ang batas.”
   
Tama si Commissioner Faeldon.
   
Hindi tamang gamitin ang balikbayan boxes para magpalusot ng mga kontrabando.

* * *   

Taun-taon ay nawawalan daw ang gobyerno ng P231 bilyon “possibly due to technical smuggling.”
   
Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez na ang “forgone revenue accounted for 2 percent of the gross domestic product.”
   
Ayon kay Dominguez, merong “alarming discrepancy rate” sa pagitan ng volume ng imports na inire-report sa BoC at aktuwal na figures galing sa suppliers mula sa exporter-countries.
   
Umaasa pa rin si Dominguez na makokolekta ng gobyerno ang discrepancies kapag nagpatupad tayo ng “sweeping reforms in tax policy and administration.”
   
“In order to bridge this gap, we need to relax bank secrecy for fraud cases, simplify and automate processes and improve the ability of customs to enforce the laws,” ani Dominguez.
   
Ayon pa kay Dominguez, magpapadala ang DoF ng mga taga-BoC sa  exporting countries para i-reconcile ang mga trade record.
   
Aalamin din ng mga taga-BoC kung ano talaga ang discrepancies.
   
Kailangan talagang malaman kung bakit may discrepancies ang mga trade figure.
   
Hindi puwedeng magpatuloy ang mga ganitong gawain. Dapat i-plug na ang sinasabing revenue leakage sa customs.
   
Ito ay kung gusto nating lumaki ang revenue collection ng ahensiya.

* * *   

Belated happy birthday pala sa progresibong siyudad ng Bacoor.
   
Noong nakaraang Huwebes ay pista opisyal sa Bacoor City na nagdaos ng kanilang 345th founding anniversary.
   
Ang tema ng selebrasyon ay “1 team, 1 love, 1 Bacoor.”
   
Ang selebrasyon ay pinangunahan nina Mayor Lani Revilla, Rep. Strike Revilla, Vice Mayor Karen Evaristo at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
   
Ang nakamamanghang pag-unlad ng Bacoor City ay nagsimula noong umupong alkalde si kaibigang Strike.
   
Dahil sa mahusay na pamamalakad ni Mayor Strike ay naging “meteoric” ang pag-unlad ng Bacoor.
   
Naniniwala tayo na ipagpapatuloy ni Mayor Lani ang mga programa at proyekto ni kaibigang Strike.
   
Muli, happy birthday sa mga taga-Bacoor!

* * *   

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0921)4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan)