6,617 guests

Mayor Erap at GGI, pinaliwanag ang Quiapo

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 357

KAHIT umuulan nu’ng Sept. 27 (Friday) ng gabi ay dumating pa rin si Manila Mayor Joseph Estrada para sa inauguration ng Solar Power LED streetlights sa Quiapo. Nagbigay ng short speech si Mayor Erap bago inumpisahan ang pagpapailaw ng Quezon Boulevard.

Ang LED lights na ikinabit sa kahabaan ng Quiapo ay courtesy of GLOBAL GOLDGOAL INC (GGI) na si James Lee-Yang ang chairman. Si James ay matagal nang kaibigan ng brodkaster na si Rey Langit and thru him kaya natuloy ang pag-i-sponsor ng  streetlights sa isa sa busiest streets ng Maynila. Siyempre, thankful din si Manong Rey sa malasakit na ipinakita ng Koreanong businessman sa  Maynila.

Ayon kay James, nag-desisyon ang kumpanya niya na ilawan ang Quezon Boulevard para mabawa-san ang krimen sa lugar. Kunsabagay, marami tala-gang holdapan sa area at kung minsan ay may mga patayan pa.

“The streetlights will help enlighten the greater area and center of Quiapo district. And a sure deterrent to would be crimes in the area as part of our mission and advocacy,” sabi pa niya.

“We will run commercial ads, public service announcements of the City of Manila, anti-drug campaign of the national government, big events of the country such as the forthcoming Asian Summit and Miss Universe pageant next year,” dagdag pa ng GGI chairman.
   
Thankful naman si Mayor Erap sa tulong sa kanya ng GGI dahil sa liwanag na maibibigay nito sa lugar ng Quiapo.